시편 94편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 23절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka. | O Lord God, to whom vengeance belongeth; O God, to whom vengeance belongeth, shew thyself. |
| 2 | Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. | Lift up thyself, thou judge of the earth: render a reward to the proud. |
| 3 | Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama? | Lord, how long shall the wicked, how long shall the wicked triumph? |
| 4 | Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki. | How long shall they utter and speak hard things? and all the workers of iniquity boast themselves? |
| 5 | Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana. | They break in pieces thy people, O Lord, and afflict thine heritage. |
| 6 | Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila. | They slay the widow and the stranger, and murder the fatherless. |
| 7 | At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito. | Yet they say, The Lord shall not see, neither shall the God of Jacob regard it. |
| 8 | Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas? | Understand, ye brutish among the people: and ye fools, when will ye be wise? |
| 9 | Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita? | He that planted the ear, shall he not hear? he that formed the eye, shall he not see? |
| 10 | Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman? | He that chastiseth the heathen, shall not he correct? he that teacheth man knowledge, shall not he know? |
| 11 | Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan. | The Lord knoweth the thoughts of man, that they are vanity. |
| 12 | Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan. | Blessed is the man whom thou chastenest, O Lord, and teachest him out of thy law; |
| 13 | Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama. | That thou mayest give him rest from the days of adversity, until the pit be digged for the wicked. |
| 14 | Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana. | For the Lord will not cast off his people, neither will he forsake his inheritance. |
| 15 | Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso. | But judgment shall return unto righteousness: and all the upright in heart shall follow it. |
| 16 | Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? | Who will rise up for me against the evildoers? or who will stand up for me against the workers of iniquity? |
| 17 | Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. | Unless the Lord had been my help, my soul had almost dwelt in silence. |
| 18 | Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. | When I said, My foot slippeth; thy mercy, O Lord, held me up. |
| 19 | Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. | In the multitude of my thoughts within me thy comforts delight my soul. |
| 20 | Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? | Shall the throne of iniquity have fellowship with thee, which frameth mischief by a law? |
| 21 | Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo. | They gather themselves together against the soul of the righteous, and condemn the innocent blood. |
| 22 | Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan. | But the Lord is my defence; and my God is the rock of my refuge. |
| 23 | At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios. | And he shall bring upon them their own iniquity, and shall cut them off in their own wickedness; yea, the Lord our God shall cut them off. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL