시편 7편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 17절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Panginoon kong Dios, sa iyo nanganganlong ako. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako: | O Lord my God, in thee do I put my trust: save me from all them that persecute me, and deliver me: |
| 2 | Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, na lurayin ito, habang walang magligtas. | Lest he tear my soul like a lion, rending it in pieces, while there is none to deliver. |
| 3 | Oh Panginoon kong Dios, kung ginawa ko ito; kung may kasamaan sa aking mga kamay; | O Lord my God, if I have done this; if there be iniquity in my hands; |
| 4 | Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin; (Oo, aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:) | If I have rewarded evil unto him that was at peace with me; (yea, I have delivered him that without cause is mine enemy:) |
| 5 | Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan; Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa, at ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah) | Let the enemy persecute my soul, and take it; yea, let him tread down my life upon the earth, and lay mine honour in the dust. Selah. |
| 6 | Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit, magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway; at gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan. | Arise, O Lord, in thine anger, lift up thyself because of the rage of mine enemies: and awake for me to the judgment that thou hast commanded. |
| 7 | At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot: at sila'y pihitan mong nasa mataas ka. | So shall the congregation of the people compass thee about: for their sakes therefore return thou on high. |
| 8 | Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan: iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin. | The Lord shall judge the people: judge me, O Lord, according to my righteousness, and according to mine integrity that is in me. |
| 9 | Oh wakasan ang kasamaan ng masama, nguni't itatag mo ang matuwid; sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso. | Oh let the wickedness of the wicked come to an end; but establish the just: for the righteous God trieth the hearts and reins. |
| 10 | Ang aking kalasag ay sa Dios. na nagliligtas ng matuwid sa puso. | My defence is of God, which saveth the upright in heart. |
| 11 | Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw. | God judgeth the righteous, and God is angry with the wicked every day. |
| 12 | Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak; kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda. | If he turn not, he will whet his sword; he hath bent his bow, and made it ready. |
| 13 | Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana. | He hath also prepared for him the instruments of death; he ordaineth his arrows against the persecutors. |
| 14 | Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan; Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan. | Behold, he travaileth with iniquity, and hath conceived mischief, and brought forth falsehood. |
| 15 | Siya'y gumawa ng balon, at hinukay, at nahulog sa hukay na kaniyang ginawa. | He made a pit, and digged it, and is fallen into the ditch which he made. |
| 16 | Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo, at ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan. | His mischief shall return upon his own head, and his violent dealing shall come down upon his own pate. |
| 17 | Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran: at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan. | I will praise the Lord according to his righteousness: and will sing praise to the name of the Lord most high. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL