시편 6편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 10절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. | O Lord, rebuke me not in thine anger, neither chasten me in thy hot displeasure. |
| 2 | Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog. | Have mercy upon me, O Lord; for I am weak: O Lord, heal me; for my bones are vexed. |
| 3 | Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan? | My soul is also sore vexed: but thou, O Lord, how long? |
| 4 | Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob. | Return, O Lord, deliver my soul: oh save me for thy mercies’ sake. |
| 5 | Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? | For in death there is no remembrance of thee: in the grave who shall give thee thanks? |
| 6 | Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha. | I am weary with my groaning; all the night make I my bed to swim; I water my couch with my tears. |
| 7 | Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway. | Mine eye is consumed because of grief; it waxeth old because of all mine enemies. |
| 8 | Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis. | Depart from me, all ye workers of iniquity; for the Lord hath heard the voice of my weeping. |
| 9 | Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin. | The Lord hath heard my supplication; the Lord will receive my prayer. |
| 10 | Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat. | Let all mine enemies be ashamed and sore vexed: let them return and be ashamed suddenly. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL