시편 72편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 20절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari. | Give the king thy judgments, O God, and thy righteousness unto the king’s son. |
| 2 | Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran, at ang iyong dukha, ng kahatulan. | He shall judge thy people with righteousness, and thy poor with judgment. |
| 3 | Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, at ang mga gulod, sa katuwiran. | The mountains shall bring peace to the people, and the little hills, by righteousness. |
| 4 | Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan, at pagwawaraywarayin ang mangaapi. | He shall judge the poor of the people, he shall save the children of the needy, and shall break in pieces the oppressor. |
| 5 | Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw, at habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi. | They shall fear thee as long as the sun and moon endure, throughout all generations. |
| 6 | Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo: gaya ng ambon na dumidilig sa lupa. | He shall come down like rain upon the mown grass: as showers that water the earth. |
| 7 | Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid; at saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan. | In his days shall the righteous flourish; and abundance of peace so long as the moon endureth. |
| 8 | Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. | He shall have dominion also from sea to sea, and from the river unto the ends of the earth. |
| 9 | Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok. | They that dwell in the wilderness shall bow before him; and his enemies shall lick the dust. |
| 10 | Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob. | The kings of Tarshish and of the isles shall bring presents: the kings of Sheba and Seba shall offer gifts. |
| 11 | Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. | Yea, all kings shall fall down before him: all nations shall serve him. |
| 12 | Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong. | For he shall deliver the needy when he crieth; the poor also, and him that hath no helper. |
| 13 | Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. | He shall spare the poor and needy, and shall save the souls of the needy. |
| 14 | Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin: | He shall redeem their soul from deceit and violence: and precious shall their blood be in his sight. |
| 15 | At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba: at dadalanginang lagi siya ng mga tao: pupurihin nila siya buong araw. | And he shall live, and to him shall be given of the gold of Sheba: prayer also shall be made for him continually; and daily shall he be praised. |
| 16 | Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok; ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano: at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa. | There shall be an handful of corn in the earth upon the top of the mountains; the fruit thereof shall shake like Lebanon: and they of the city shall flourish like grass of the earth. |
| 17 | Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw: at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa. | His name shall endure for ever: his name shall be continued as long as the sun: and men shall be blessed in him: all nations shall call him blessed. |
| 18 | Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay: | Blessed be the Lord God, the God of Israel, who only doeth wondrous things. |
| 19 | At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man; at mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian. Siya nawa, at Siya nawa. | And blessed be his glorious name for ever: and let the whole earth be filled with his glory; Amen, and Amen. |
| 20 | Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos. | The prayers of David the son of Jesse are ended. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL