시편 73편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. | Truly God is good to Israel, even to such as are of a clean heart. |
| 2 | Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. | But as for me, my feet were almost gone; my steps had well nigh slipped. |
| 3 | Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. | For I was envious at the foolish, when I saw the prosperity of the wicked. |
| 4 | Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. | For there are no bands in their death: but their strength is firm. |
| 5 | Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. | They are not in trouble as other men; neither are they plagued like other men. |
| 6 | Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. | Therefore pride compasseth them about as a chain; violence covereth them as a garment. |
| 7 | Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso. | Their eyes stand out with fatness: they have more than heart could wish. |
| 8 | Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan. | They are corrupt, and speak wickedly concerning oppression: they speak loftily. |
| 9 | Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. | They set their mouth against the heavens, and their tongue walketh through the earth. |
| 10 | Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila. | Therefore his people return hither: and waters of a full cup are wrung out to them. |
| 11 | At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? | And they say, How doth God know? and is there knowledge in the most High? |
| 12 | Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, | Behold, these are the ungodly, who prosper in the world; they increase in riches. |
| 13 | Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; | Verily I have cleansed my heart in vain, and washed my hands in innocency. |
| 14 | Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga. | For all the day long have I been plagued, and chastened every morning. |
| 15 | Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak. | If I say, I will speak thus; behold, I should offend against the generation of thy children. |
| 16 | Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin; | When I thought to know this, it was too painful for me; |
| 17 | Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas, | Until I went into the sanctuary of God; then understood I their end. |
| 18 | Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. | Surely thou didst set them in slippery places: thou castedst them down into destruction. |
| 19 | Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan. | How are they brought into desolation, as in a moment! they are utterly consumed with terrors. |
| 20 | Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan. | As a dream when one awaketh; so, O Lord, when thou awakest, thou shalt despise their image. |
| 21 | Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako: | Thus my heart was grieved, and I was pricked in my reins. |
| 22 | Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo. | So foolish was I, and ignorant: I was as a beast before thee. |
| 23 | Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan. | Nevertheless I am continually with thee: thou hast holden me by my right hand. |
| 24 | Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. | Thou shalt guide me with thy counsel, and afterward receive me to glory. |
| 25 | Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. | Whom have I in heaven but thee? and there is none upon earth that I desire beside thee. |
| 26 | Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. | My flesh and my heart faileth: but God is the strength of my heart, and my portion for ever. |
| 27 | Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. | For, lo, they that are far from thee shall perish: thou hast destroyed all them that go a whoring from thee. |
| 28 | Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa. | But it is good for me to draw near to God: I have put my trust in the Lord God, that I may declare all thy works. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL