시편 71편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 24절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Sa iyo Oh Panginoon, nanganganlong ako: huwag akong mapahiya kailan man. | In thee, O Lord, do I put my trust: let me never be put to confusion. |
| 2 | Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako, | Deliver me in thy righteousness, and cause me to escape: incline thine ear unto me, and save me. |
| 3 | Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi: ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako; sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta. | Be thou my strong habitation, whereunto I may continually resort: thou hast given commandment to save me; for thou art my rock and my fortress. |
| 4 | Sagipin mo ako, Oh aking Dios, sa kamay ng masama, sa kamay ng liko at mabagsik na tao. | Deliver me, O my God, out of the hand of the wicked, out of the hand of the unrighteous and cruel man. |
| 5 | Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan. | For thou art my hope, O Lord God: thou art my trust from my youth. |
| 6 | Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo. | By thee have I been holden up from the womb: thou art he that took me out of my mother’s bowels: my praise shall be continually of thee. |
| 7 | Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami; nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan. | I am as a wonder unto many; but thou art my strong refuge. |
| 8 | Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw. | Let my mouth be filled with thy praise and with thy honour all the day. |
| 9 | Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay. | Cast me not off in the time of old age; forsake me not when my strength faileth. |
| 10 | Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin: at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian, | For mine enemies speak against me; and they that lay wait for my soul take counsel together, |
| 11 | Na nangagsasabi, pinabayaan siya ng Dios: iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas. | Saying, God hath forsaken him: persecute and take him; for there is none to deliver him. |
| 12 | Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin: Oh Dios ko, magmadali kang tulungan mo ako. | O God, be not far from me: O my God, make haste for my help. |
| 13 | Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa; mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan. | Let them be confounded and consumed that are adversaries to my soul; let them be covered with reproach and dishonour that seek my hurt. |
| 14 | Nguni't ako'y maghihintay na palagi, at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit. | But I will hope continually, and will yet praise thee more and more. |
| 15 | Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw; sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang. | My mouth shall shew forth thy righteousness and thy salvation all the day; for I know not the numbers thereof. |
| 16 | Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang. | I will go in the strength of the Lord God: I will make mention of thy righteousness, even of thine only. |
| 17 | Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa. | O God, thou hast taught me from my youth: and hitherto have I declared thy wondrous works. |
| 18 | Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating. | Now also when I am old and grayheaded, O God, forsake me not; until I have shewed thy strength unto this generation, and thy power to every one that is to come. |
| 19 | Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo. | Thy righteousness also, O God, is very high, who hast done great things: O God, who is like unto thee! |
| 20 | Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan, bubuhayin mo uli kami, at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa. | Thou, which hast shewed me great and sore troubles, shalt quicken me again, and shalt bring me up again from the depths of the earth. |
| 21 | Palaguin mo ang aking kadakilaan, at bumalik ka uli, at aliwin mo ako. | Thou shalt increase my greatness, and comfort me on every side. |
| 22 | Pupurihin din kita ng salterio, ang iyong katotohanan, Oh Dios ko; sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa, Oh ikaw na Banal ng Israel. | I will also praise thee with the psaltery, even thy truth, O my God: unto thee will I sing with the harp, O thou Holy One of Israel. |
| 23 | Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo; at ang kaluluwa ko, na iyong tinubos. | My lips shall greatly rejoice when I sing unto thee; and my soul, which thou hast redeemed. |
| 24 | Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw: sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan. | My tongue also shall talk of thy righteousness all the day long: for they are confounded, for they are brought unto shame, that seek my hurt. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL