시편 49편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 20절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig: | Hear this, all ye people; give ear, all ye inhabitants of the world: |
| 2 | Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama. | Both low and high, rich and poor, together. |
| 3 | Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa. | My mouth shall speak of wisdom; and the meditation of my heart shall be of understanding. |
| 4 | Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa. | I will incline mine ear to a parable: I will open my dark saying upon the harp. |
| 5 | Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong? | Wherefore should I fear in the days of evil, when the iniquity of my heels shall compass me about? |
| 6 | Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan; | They that trust in their wealth, and boast themselves in the multitude of their riches; |
| 7 | Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya: | None of them can by any means redeem his brother, nor give to God a ransom for him: |
| 8 | (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man:) | (For the redemption of their soul is precious, and it ceaseth for ever:) |
| 9 | Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan. | That he should still live for ever, and not see corruption. |
| 10 | Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba. | For he seeth that wise men die, likewise the fool and the brutish person perish, and leave their wealth to others. |
| 11 | Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man, at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan. | Their inward thought is, that their houses shall continue for ever, and their dwelling places to all generations; they call their lands after their own names. |
| 12 | Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay. | Nevertheless man being in honour abideth not: he is like the beasts that perish. |
| 13 | Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan: gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah) | This their way is their folly: yet their posterity approve their sayings. Selah. |
| 14 | Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan. | Like sheep they are laid in the grave; death shall feed on them; and the upright shall have dominion over them in the morning; and their beauty shall consume in the grave from their dwelling. |
| 15 | Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) | But God will redeem my soul from the power of the grave: for he shall receive me. Selah. |
| 16 | Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago: | Be not thou afraid when one is made rich, when the glory of his house is increased; |
| 17 | Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya. | For when he dieth he shall carry nothing away: his glory shall not descend after him. |
| 18 | Bagaman habang siya'y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa, (at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili), | Though while he lived he blessed his soul: and men will praise thee, when thou doest well to thyself. |
| 19 | Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag. | He shall go to the generation of his fathers; they shall never see light. |
| 20 | Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay. | Man that is in honour, and understandeth not, is like the beasts that perish. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL