시편 48편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 14절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. | Great is the Lord, and greatly to be praised in the city of our God, in the mountain of his holiness. |
| 2 | Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. | Beautiful for situation, the joy of the whole earth, is mount Zion, on the sides of the north, the city of the great King. |
| 3 | Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. | God is known in her palaces for a refuge. |
| 4 | Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama. | For, lo, the kings were assembled, they passed by together. |
| 5 | Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas. | They saw it, and so they marvelled; they were troubled, and hasted away. |
| 6 | Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. | Fear took hold upon them there, and pain, as of a woman in travail. |
| 7 | Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis. | Thou breakest the ships of Tarshish with an east wind. |
| 8 | Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) | As we have heard, so have we seen in the city of the Lord of hosts, in the city of our God: God will establish it for ever. Selah. |
| 9 | Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo. | We have thought of thy lovingkindness, O God, in the midst of thy temple. |
| 10 | Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran. | According to thy name, O God, so is thy praise unto the ends of the earth: thy right hand is full of righteousness. |
| 11 | Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan. | Let mount Zion rejoice, let the daughters of Judah be glad, because of thy judgments. |
| 12 | Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon. | Walk about Zion, and go round about her: tell the towers thereof. |
| 13 | Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi. | Mark ye well her bulwarks, consider her palaces; that ye may tell it to the generation following. |
| 14 | Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan. | For this God is our God for ever and ever: he will be our guide even unto death. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL