시편 50편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 23절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon. | The mighty God, even the Lord, hath spoken, and called the earth from the rising of the sun unto the going down thereof. |
| 2 | Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios. | Out of Zion, the perfection of beauty, God hath shined. |
| 3 | Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. | Our God shall come, and shall not keep silence: a fire shall devour before him, and it shall be very tempestuous round about him. |
| 4 | Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan: | He shall call to the heavens from above, and to the earth, that he may judge his people. |
| 5 | Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain. | Gather my saints together unto me; those that have made a covenant with me by sacrifice. |
| 6 | At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah) | And the heavens shall declare his righteousness: for God is judge himself. Selah. |
| 7 | Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita; Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo: Ako'y Dios, iyong Dios. | Hear, O my people, and I will speak; O Israel, and I will testify against thee: I am God, even thy God. |
| 8 | Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain; at ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko. | I will not reprove thee for thy sacrifices or thy burnt offerings, to have been continually before me. |
| 9 | Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay, ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan. | I will take no bullock out of thy house, nor he goats out of thy folds. |
| 10 | Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin, at ang hayop sa libong burol. | For every beast of the forest is mine, and the cattle upon a thousand hills. |
| 11 | Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok: at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin. | I know all the fowls of the mountains: and the wild beasts of the field are mine. |
| 12 | Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo: sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito. | If I were hungry, I would not tell thee: for the world is mine, and the fulness thereof. |
| 13 | Kakanin ko ba ang laman ng mga toro, o iinumin ang dugo ng mga kambing? | Will I eat the flesh of bulls, or drink the blood of goats? |
| 14 | Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan: | Offer unto God thanksgiving; and pay thy vows unto the most High: |
| 15 | At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako. | And call upon me in the day of trouble: I will deliver thee, and thou shalt glorify me. |
| 16 | Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig? | But unto the wicked God saith, What hast thou to do to declare my statutes, or that thou shouldest take my covenant in thy mouth? |
| 17 | Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo, at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo. | Seeing thou hatest instruction, and castest my words behind thee. |
| 18 | Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya, at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya. | When thou sawest a thief, then thou consentedst with him, and hast been partaker with adulterers. |
| 19 | Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan. | Thou givest thy mouth to evil, and thy tongue frameth deceit. |
| 20 | Ikaw ay nauupo, at nagsasalita laban sa iyong kapatid; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina. | Thou sittest and speakest against thy brother; thou slanderest thine own mother’s son. |
| 21 | Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y tumahimik; iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo: nguni't sasawayin kita, at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata. | These things hast thou done, and I kept silence; thou thoughtest that I was altogether such an one as thyself: but I will reprove thee, and set them in order before thine eyes. |
| 22 | Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas: | Now consider this, ye that forget God, lest I tear you in pieces, and there be none to deliver. |
| 23 | Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios. | Whoso offereth praise glorifieth me: and to him that ordereth his conversation aright will I shew the salvation of God. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL