시편 47편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 9절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. | O clap your hands, all ye people; shout unto God with the voice of triumph. |
| 2 | Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya'y dakilang Hari sa buong lupa. | For the Lord most high is terrible; he is a great King over all the earth. |
| 3 | Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa. | He shall subdue the people under us, and the nations under our feet. |
| 4 | Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah) | He shall choose our inheritance for us, the excellency of Jacob whom he loved. Selah. |
| 5 | Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak. | God is gone up with a shout, the Lord with the sound of a trumpet. |
| 6 | Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri. | Sing praises to God, sing praises: sing praises unto our King, sing praises. |
| 7 | Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa. | For God is the King of all the earth: sing ye praises with understanding. |
| 8 | Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan. | God reigneth over the heathen: God sitteth upon the throne of his holiness. |
| 9 | Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi. | The princes of the people are gathered together, even the people of the God of Abraham: for the shields of the earth belong unto God: he is greatly exalted. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL