시편 37편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 40절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. | Fret not thyself because of evildoers, neither be thou envious against the workers of iniquity. |
| 2 | Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. | For they shall soon be cut down like the grass, and wither as the green herb. |
| 3 | Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. | Trust in the Lord, and do good; so shalt thou dwell in the land, and verily thou shalt be fed. |
| 4 | Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. | Delight thyself also in the Lord; and he shall give thee the desires of thine heart. |
| 5 | Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin. | Commit thy way unto the Lord; trust also in him; and he shall bring it to pass. |
| 6 | At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat. | And he shall bring forth thy righteousness as the light, and thy judgment as the noonday. |
| 7 | Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha. | Rest in the Lord, and wait patiently for him: fret not thyself because of him who prospereth in his way, because of the man who bringeth wicked devices to pass. |
| 8 | Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. | Cease from anger, and forsake wrath: fret not thyself in any wise to do evil. |
| 9 | Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain. | For evildoers shall be cut off: but those that wait upon the Lord, they shall inherit the earth. |
| 10 | Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na. | For yet a little while, and the wicked shall not be: yea, thou shalt diligently consider his place, and it shall not be. |
| 11 | Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan. | But the meek shall inherit the earth; and shall delight themselves in the abundance of peace. |
| 12 | Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin. | The wicked plotteth against the just, and gnasheth upon him with his teeth. |
| 13 | Tatawanan siya ng Panginoon: sapagka't kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating. | The Lord shall laugh at him: for he seeth that his day is coming. |
| 14 | Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa paglakad: | The wicked have drawn out the sword, and have bent their bow, to cast down the poor and needy, and to slay such as be of upright conversation. |
| 15 | Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso, at ang kanilang busog ay mababali. | Their sword shall enter into their own heart, and their bows shall be broken. |
| 16 | Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama. | A little that a righteous man hath is better than the riches of many wicked. |
| 17 | Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid. | For the arms of the wicked shall be broken: but the Lord upholdeth the righteous. |
| 18 | Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal: at ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man. | The Lord knoweth the days of the upright: and their inheritance shall be for ever. |
| 19 | Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan: at sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila. | They shall not be ashamed in the evil time: and in the days of famine they shall be satisfied. |
| 20 | Nguni't ang masama ay mamamatay, at ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila. | But the wicked shall perish, and the enemies of the Lord shall be as the fat of lambs: they shall consume; into smoke shall they consume away. |
| 21 | Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay. | The wicked borroweth, and payeth not again: but the righteous sheweth mercy, and giveth. |
| 22 | Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay. | For such as be blessed of him shall inherit the earth; and they that be cursed of him shall be cut off. |
| 23 | Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad. | The steps of a good man are ordered by the Lord: and he delighteth in his way. |
| 24 | Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos na mapapahiga: Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay. | Though he fall, he shall not be utterly cast down: for the Lord upholdeth him with his hand. |
| 25 | Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay. | I have been young, and now am old; yet have I not seen the righteous forsaken, nor his seed begging bread. |
| 26 | Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala. | He is ever merciful, and lendeth; and his seed is blessed. |
| 27 | Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; at manahan ka magpakailan man. | Depart from evil, and do good; and dwell for evermore. |
| 28 | Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay. | For the Lord loveth judgment, and forsaketh not his saints; they are preserved for ever: but the seed of the wicked shall be cut off. |
| 29 | Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man. | The righteous shall inherit the land, and dwell therein for ever. |
| 30 | Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan. | The mouth of the righteous speaketh wisdom, and his tongue talketh of judgment. |
| 31 | Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso, walang madudulas sa kaniyang mga hakbang. | The law of his God is in his heart; none of his steps shall slide. |
| 32 | Inaabatan ng masama ang matuwid, at pinagsisikapang patayin niya siya. | The wicked watcheth the righteous, and seeketh to slay him. |
| 33 | Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay, ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan. | The Lord will not leave him in his hand, nor condemn him when he is judged. |
| 34 | Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan, at ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain: pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita. | Wait on the Lord, and keep his way, and he shall exalt thee to inherit the land: when the wicked are cut off, thou shalt see it. |
| 35 | Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan. | I have seen the wicked in great power, and spreading himself like a green bay tree. |
| 36 | Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya: Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan. | Yet he passed away, and, lo, he was not: yea, I sought him, but he could not be found. |
| 37 | Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan. | Mark the perfect man, and behold the upright: for the end of that man is peace. |
| 38 | Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay. | But the transgressors shall be destroyed together: the end of the wicked shall be cut off. |
| 39 | Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon: siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan. | But the salvation of the righteous is of the Lord: he is their strength in the time of trouble. |
| 40 | At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila: sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila. Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya. | And the Lord shall help them, and deliver them: he shall deliver them from the wicked, and save them, because they trust in him. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL