시편 38편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit: ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. | O Lord, rebuke me not in thy wrath: neither chasten me in thy hot displeasure. |
| 2 | Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay. | For thine arrows stick fast in me, and thy hand presseth me sore. |
| 3 | Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan. | There is no soundness in my flesh because of thine anger; neither is there any rest in my bones because of my sin. |
| 4 | Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin. | For mine iniquities are gone over mine head: as an heavy burden they are too heavy for me. |
| 5 | Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok, dahil sa aking kamangmangan. | My wounds stink and are corrupt because of my foolishness. |
| 6 | Ako'y nahirapan at ako'y nahukot; ako'y tumatangis buong araw. | I am troubled; I am bowed down greatly; I go mourning all the day long. |
| 7 | Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman. | For my loins are filled with a loathsome disease: and there is no soundness in my flesh. |
| 8 | Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam: ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob. | I am feeble and sore broken: I have roared by reason of the disquietness of my heart. |
| 9 | Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo. | Lord, all my desire is before thee; and my groaning is not hid from thee. |
| 10 | Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata: tungkol sa liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin. | My heart panteth, my strength faileth me: as for the light of mine eyes, it also is gone from me. |
| 11 | Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo. | My lovers and my friends stand aloof from my sore; and my kinsmen stand afar off. |
| 12 | Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay, at nangagiisip ng pagdaraya buong araw. | They also that seek after my life lay snares for me: and they that seek my hurt speak mischievous things, and imagine deceits all the day long. |
| 13 | Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig; at ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig. | But I, as a deaf man, heard not; and I was as a dumb man that openeth not his mouth. |
| 14 | Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig, at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan. | Thus I was as a man that heareth not, and in whose mouth are no reproofs. |
| 15 | Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako: ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios. | For in thee, O Lord, do I hope: thou wilt hear, O Lord my God. |
| 16 | Sapagka't aking sinabi: Baka ako'y kagalakan nila: pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin. | For I said, Hear me, lest otherwise they should rejoice over me: when my foot slippeth, they magnify themselves against me. |
| 17 | Sapagka't ako'y madali ng mahulog, at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko. | For I am ready to halt, and my sorrow is continually before me. |
| 18 | Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan. | For I will declare mine iniquity; I will be sorry for my sin. |
| 19 | Nguni't ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas: at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami. | But mine enemies are lively, and they are strong: and they that hate me wrongfully are multiplied. |
| 20 | Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko, sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti. | They also that render evil for good are mine adversaries; because I follow the thing that good is. |
| 21 | Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon: Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin. | Forsake me not, O Lord: O my God, be not far from me. |
| 22 | Magmadali kang tulungan mo ako, Oh Panginoon na aking kaligtasan. | Make haste to help me, O Lord my salvation. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL