시편 36편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 12절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. | The transgression of the wicked saith within my heart, that there is no fear of God before his eyes. |
| 2 | Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. | For he flattereth himself in his own eyes, until his iniquity be found to be hateful. |
| 3 | Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. | The words of his mouth are iniquity and deceit: he hath left off to be wise, and to do good. |
| 4 | Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan. | He deviseth mischief upon his bed; he setteth himself in a way that is not good; he abhorreth not evil. |
| 5 | Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. | Thy mercy, O Lord, is in the heavens; and thy faithfulness reacheth unto the clouds. |
| 6 | Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. | Thy righteousness is like the great mountains; thy judgments are a great deep: O Lord, thou preservest man and beast. |
| 7 | Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. | How excellent is thy lovingkindness, O God! therefore the children of men put their trust under the shadow of thy wings. |
| 8 | Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran. | They shall be abundantly satisfied with the fatness of thy house; and thou shalt make them drink of the river of thy pleasures. |
| 9 | Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag. | For with thee is the fountain of life: in thy light shall we see light. |
| 10 | Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso. | O continue thy lovingkindness unto them that know thee; and thy righteousness to the upright in heart. |
| 11 | Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan, at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama. | Let not the foot of pride come against me, and let not the hand of the wicked remove me. |
| 12 | Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: sila'y nangalugmok at hindi makakatindig. | There are the workers of iniquity fallen: they are cast down, and shall not be able to rise. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL