시편 29편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 11절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. | Give unto the Lord, O ye mighty, give unto the Lord glory and strength. |
| 2 | Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan. | Give unto the Lord the glory due unto his name; worship the Lord in the beauty of holiness. |
| 3 | Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. | The voice of the Lord is upon the waters: the God of glory thundereth: the Lord is upon many waters. |
| 4 | Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan. | The voice of the Lord is powerful; the voice of the Lord is full of majesty. |
| 5 | Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano. | The voice of the Lord breaketh the cedars; yea, the Lord breaketh the cedars of Lebanon. |
| 6 | Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. | He maketh them also to skip like a calf; Lebanon and Sirion like a young unicorn. |
| 7 | Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon. | The voice of the Lord divideth the flames of fire. |
| 8 | Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades. | The voice of the Lord shaketh the wilderness; the Lord shaketh the wilderness of Kadesh. |
| 9 | Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga gubat: at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: kaluwalhatian. | The voice of the Lord maketh the hinds to calve, and discovereth the forests: and in his temple doth every one speak of his glory. |
| 10 | Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari; Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man. | The Lord sitteth upon the flood; yea, the Lord sitteth King for ever. |
| 11 | Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan. | The Lord will give strength unto his people; the Lord will bless his people with peace. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL