시편 30편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 12절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Dadakilain kita, Oh Panginoon; sapagka't itinindig mo ako, at hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway. | I will extol thee, O Lord; for thou hast lifted me up, and hast not made my foes to rejoice over me. |
| 2 | Oh Panginoon kong Dios, dumaing ako sa iyo, at ako'y pinagaling mo. | O Lord my God, I cried unto thee, and thou hast healed me. |
| 3 | Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. | O Lord, thou hast brought up my soul from the grave: thou hast kept me alive, that I should not go down to the pit. |
| 4 | Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan. | Sing unto the Lord, O ye saints of his, and give thanks at the remembrance of his holiness. |
| 5 | Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. | For his anger endureth but a moment; in his favour is life: weeping may endure for a night, but joy cometh in the morning. |
| 6 | Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man. | And in my prosperity I said, I shall never be moved. |
| 7 | Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. | Lord, by thy favour thou hast made my mountain to stand strong: thou didst hide thy face, and I was troubled. |
| 8 | Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: | I cried to thee, O Lord; and unto the Lord I made supplication. |
| 9 | Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? | What profit is there in my blood, when I go down to the pit? Shall the dust praise thee? shall it declare thy truth? |
| 10 | Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. | Hear, O Lord, and have mercy upon me: Lord, be thou my helper. |
| 11 | Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: | Thou hast turned for me my mourning into dancing: thou hast put off my sackcloth, and girded me with gladness; |
| 12 | Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man. | To the end that my glory may sing praise to thee, and not be silent. O Lord my God, I will give thanks unto thee for ever. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL