시편 21편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 13절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya! | The king shall joy in thy strength, O Lord; and in thy salvation how greatly shall he rejoice! |
| 2 | Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah) | Thou hast given him his heart’s desire, and hast not withholden the request of his lips. Selah. |
| 3 | Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan: iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo. | For thou preventest him with the blessings of goodness: thou settest a crown of pure gold on his head. |
| 4 | Siya'y humingi ng buhay sa iyo, iyong binigyan siya; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man. | He asked life of thee, and thou gavest it him, even length of days for ever and ever. |
| 5 | Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya. | His glory is great in thy salvation: honour and majesty hast thou laid upon him. |
| 6 | Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan. | For thou hast made him most blessed for ever: thou hast made him exceeding glad with thy countenance. |
| 7 | Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos. | For the king trusteth in the Lord, and through the mercy of the most High he shall not be moved. |
| 8 | Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo. | Thine hand shall find out all thine enemies: thy right hand shall find out those that hate thee. |
| 9 | Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, at susupukin sila ng apoy. | Thou shalt make them as a fiery oven in the time of thine anger: the Lord shall swallow them up in his wrath, and the fire shall devour them. |
| 10 | Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao. | Their fruit shalt thou destroy from the earth, and their seed from among the children of men. |
| 11 | Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa. | For they intended evil against thee: they imagined a mischievous device, which they are not able to perform. |
| 12 | Sapagka't iyong patatalikurin sila, ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila. | Therefore shalt thou make them turn their back, when thou shalt make ready thine arrows upon thy strings against the face of them. |
| 13 | Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan. | Be thou exalted, Lord, in thine own strength: so will we sing and praise thy power. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL