시편 22편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 31절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal? | My God, my God, why hast thou forsaken me? why art thou so far from helping me, and from the words of my roaring? |
| 2 | Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik. | O my God, I cry in the daytime, but thou hearest not; and in the night season, and am not silent. |
| 3 | Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. | But thou art holy, O thou that inhabitest the praises of Israel. |
| 4 | Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. | Our fathers trusted in thee: they trusted, and thou didst deliver them. |
| 5 | Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya. | They cried unto thee, and were delivered: they trusted in thee, and were not confounded. |
| 6 | Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan. | But I am a worm, and no man; a reproach of men, and despised of the people. |
| 7 | Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, | All they that see me laugh me to scorn: they shoot out the lip, they shake the head, saying, |
| 8 | Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya: | He trusted on the Lord that he would deliver him: let him deliver him, seeing he delighted in him. |
| 9 | Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina. | But thou art he that took me out of the womb: thou didst make me hope when I was upon my mother’s breasts. |
| 10 | Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina. | I was cast upon thee from the womb: thou art my God from my mother’s belly. |
| 11 | Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong. | Be not far from me; for trouble is near; for there is none to help. |
| 12 | Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin. | Many bulls have compassed me: strong bulls of Bashan have beset me round. |
| 13 | Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon. | They gaped upon me with their mouths, as a ravening and a roaring lion. |
| 14 | Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko. | I am poured out like water, and all my bones are out of joint: my heart is like wax; it is melted in the midst of my bowels. |
| 15 | Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. | My strength is dried up like a potsherd; and my tongue cleaveth to my jaws; and thou hast brought me into the dust of death. |
| 16 | Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. | For dogs have compassed me: the assembly of the wicked have inclosed me: they pierced my hands and my feet. |
| 17 | Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako: | I may tell all my bones: they look and stare upon me. |
| 18 | Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan. | They part my garments among them, and cast lots upon my vesture. |
| 19 | Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako. | But be not thou far from me, O Lord: O my strength, haste thee to help me. |
| 20 | Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso. | Deliver my soul from the sword; my darling from the power of the dog. |
| 21 | Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako. | Save me from the lion’s mouth: for thou hast heard me from the horns of the unicorns. |
| 22 | Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. | I will declare thy name unto my brethren: in the midst of the congregation will I praise thee. |
| 23 | Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel. | Ye that fear the Lord, praise him; all ye the seed of Jacob, glorify him; and fear him, all ye the seed of Israel. |
| 24 | Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig. | For he hath not despised nor abhorred the affliction of the afflicted; neither hath he hid his face from him; but when he cried unto him, he heard. |
| 25 | Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya. | My praise shall be of thee in the great congregation: I will pay my vows before them that fear him. |
| 26 | Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man. | The meek shall eat and be satisfied: they shall praise the Lord that seek him: your heart shall live for ever. |
| 27 | Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo. | All the ends of the world shall remember and turn unto the Lord: and all the kindreds of the nations shall worship before thee. |
| 28 | Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa. | For the kingdom is the Lord’s: and he is the governor among the nations. |
| 29 | Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa. | All they that be fat upon earth shall eat and worship: all they that go down to the dust shall bow before him: and none can keep alive his own soul. |
| 30 | Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi, | A seed shall serve him; it shall be accounted to the Lord for a generation. |
| 31 | Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa. | They shall come, and shall declare his righteousness unto a people that shall be born, that he hath done this. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL