시편 148편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 14절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan. | Praise ye the Lord. Praise ye the Lord from the heavens: praise him in the heights. |
| 2 | Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo. | Praise ye him, all his angels: praise ye him, all his hosts. |
| 3 | Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag. | Praise ye him, sun and moon: praise him, all ye stars of light. |
| 4 | Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit. | Praise him, ye heavens of heavens, and ye waters that be above the heavens. |
| 5 | Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: sapagka't siya'y nagutos, at sila'y nangalikha. | Let them praise the name of the Lord: for he commanded, and they were created. |
| 6 | Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man: siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi. | He hath also stablished them for ever and ever: he hath made a decree which shall not pass. |
| 7 | Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman: | Praise the Lord from the earth, ye dragons, and all deeps: |
| 8 | Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita: | Fire, and hail; snow, and vapour; stormy wind fulfilling his word: |
| 9 | Mga bundok at lahat ng mga gulod; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro: | Mountains, and all hills; fruitful trees, and all cedars: |
| 10 | Mga hayop at buong kawan; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad: | Beasts, and all cattle; creeping things, and flying fowl: |
| 11 | Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa: | Kings of the earth, and all people; princes, and all judges of the earth: |
| 12 | Mga binata at gayon din ng mga dalaga; mga matanda at mga bata: | Both young men, and maidens; old men, and children: |
| 13 | Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. | Let them praise the name of the Lord: for his name alone is excellent; his glory is above the earth and heaven. |
| 14 | At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon. | He also exalteth the horn of his people, the praise of all his saints; even of the children of Israel, a people near unto him. Praise ye the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL