시편 149편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 9절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal. | Praise ye the Lord. Sing unto the Lord a new song, and his praise in the congregation of saints. |
| 2 | Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari. | Let Israel rejoice in him that made him: let the children of Zion be joyful in their King. |
| 3 | Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa. | Let them praise his name in the dance: let them sing praises unto him with the timbrel and harp. |
| 4 | Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo. | For the Lord taketh pleasure in his people: he will beautify the meek with salvation. |
| 5 | Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan. | Let the saints be joyful in glory: let them sing aloud upon their beds. |
| 6 | Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay; | Let the high praises of God be in their mouth, and a twoedged sword in their hand; |
| 7 | Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa, at mga parusa sa mga bayan; | To execute vengeance upon the heathen, and punishments upon the people; |
| 8 | Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala, at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal; | To bind their kings with chains, and their nobles with fetters of iron; |
| 9 | Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat: mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo ang Panginoon. | To execute upon them the judgment written: this honour have all his saints. Praise ye the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL