시편 147편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 20절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod. | Praise ye the Lord: for it is good to sing praises unto our God; for it is pleasant; and praise is comely. |
| 2 | Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel. | The Lord doth build up Jerusalem: he gathereth together the outcasts of Israel. |
| 3 | Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat. | He healeth the broken in heart, and bindeth up their wounds. |
| 4 | Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan. | He telleth the number of the stars; he calleth them all by their names. |
| 5 | Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan, | Great is our Lord, and of great power: his understanding is infinite. |
| 6 | Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama. | The Lord lifteth up the meek: he casteth the wicked down to the ground. |
| 7 | Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios: | Sing unto the Lord with thanksgiving; sing praise upon the harp unto our God: |
| 8 | Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok. | Who covereth the heaven with clouds, who prepareth rain for the earth, who maketh grass to grow upon the mountains. |
| 9 | Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing. | He giveth to the beast his food, and to the young ravens which cry. |
| 10 | Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao. | He delighteth not in the strength of the horse: he taketh not pleasure in the legs of a man. |
| 11 | Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob. | The Lord taketh pleasure in them that fear him, in those that hope in his mercy. |
| 12 | Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion. | Praise the Lord, O Jerusalem; praise thy God, O Zion. |
| 13 | Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo. | For he hath strengthened the bars of thy gates; he hath blessed thy children within thee. |
| 14 | Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo. | He maketh peace in thy borders, and filleth thee with the finest of the wheat. |
| 15 | Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi. | He sendeth forth his commandment upon earth: his word runneth very swiftly. |
| 16 | Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo. | He giveth snow like wool: he scattereth the hoarfrost like ashes. |
| 17 | Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon? | He casteth forth his ice like morsels: who can stand before his cold? |
| 18 | Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos. | He sendeth out his word, and melteth them: he causeth his wind to blow, and the waters flow. |
| 19 | Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel. | He sheweth his word unto Jacob, his statutes and his judgments unto Israel. |
| 20 | Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon. | He hath not dealt so with any nation: and as for his judgments, they have not known them. Praise ye the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL