시편 118편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 29절
- 1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- 2 Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- 3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- 4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- 5 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
- 6 Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?
- 7 Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
- 8 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
- 9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
- 10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
- 11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
- 12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
- 13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.
- 14 Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
- 15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
- 16 Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
- 17 Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
- 18 Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
- 19 Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
- 20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.
- 21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.
- 22 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.
- 23 Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
- 24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
- 25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
- 26 Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
- 27 Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.
- 28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
- 29 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- KJV 와 나란히
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗