시편 118편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 29절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. | O give thanks unto the Lord; for he is good: because his mercy endureth for ever. |
| 2 | Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. | Let Israel now say, that his mercy endureth for ever. |
| 3 | Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. | Let the house of Aaron now say, that his mercy endureth for ever. |
| 4 | Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. | Let them now that fear the Lord say, that his mercy endureth for ever. |
| 5 | Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. | I called upon the Lord in distress: the Lord answered me, and set me in a large place. |
| 6 | Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? | The Lord is on my side; I will not fear: what can man do unto me? |
| 7 | Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. | The Lord taketh my part with them that help me: therefore shall I see my desire upon them that hate me. |
| 8 | Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao. | It is better to trust in the Lord than to put confidence in man. |
| 9 | Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo. | It is better to trust in the Lord than to put confidence in princes. |
| 10 | Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. | All nations compassed me about: but in the name of the Lord will I destroy them. |
| 11 | Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. | They compassed me about; yea, they compassed me about: but in the name of the Lord I will destroy them. |
| 12 | Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. | They compassed me about like bees; they are quenched as the fire of thorns: for in the name of the Lord I will destroy them. |
| 13 | Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon. | Thou hast thrust sore at me that I might fall: but the Lord helped me. |
| 14 | Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. | The Lord is my strength and song, and is become my salvation. |
| 15 | Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. | The voice of rejoicing and salvation is in the tabernacles of the righteous: the right hand of the Lord doeth valiantly. |
| 16 | Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. | The right hand of the Lord is exalted: the right hand of the Lord doeth valiantly. |
| 17 | Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon. | I shall not die, but live, and declare the works of the Lord. |
| 18 | Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan. | The Lord hath chastened me sore: but he hath not given me over unto death. |
| 19 | Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon. | Open to me the gates of righteousness: I will go into them, and I will praise the Lord: |
| 20 | Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid. | This gate of the Lord, into which the righteous shall enter. |
| 21 | Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. | I will praise thee: for thou hast heard me, and art become my salvation. |
| 22 | Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. | The stone which the builders refused is become the head stone of the corner. |
| 23 | Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. | This is the Lord’s doing; it is marvellous in our eyes. |
| 24 | Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan. | This is the day which the Lord hath made; we will rejoice and be glad in it. |
| 25 | Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. | Save now, I beseech thee, O Lord: O Lord, I beseech thee, send now prosperity. |
| 26 | Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon. | Blessed be he that cometh in the name of the Lord: we have blessed you out of the house of the Lord. |
| 27 | Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana. | God is the Lord, which hath shewed us light: bind the sacrifice with cords, even unto the horns of the altar. |
| 28 | Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka. | Thou art my God, and I will praise thee: thou art my God, I will exalt thee. |
| 29 | Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. | O give thanks unto the Lord; for he is good: for his mercy endureth for ever. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL