시편 112편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 10절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. | Praise ye the Lord. Blessed is the man that feareth the Lord, that delighteth greatly in his commandments. |
| 2 | Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. | His seed shall be mighty upon earth: the generation of the upright shall be blessed. |
| 3 | Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. | Wealth and riches shall be in his house: and his righteousness endureth for ever. |
| 4 | Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid. | Unto the upright there ariseth light in the darkness: he is gracious, and full of compassion, and righteous. |
| 5 | Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan. | A good man sheweth favour, and lendeth: he will guide his affairs with discretion. |
| 6 | Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. | Surely he shall not be moved for ever: the righteous shall be in everlasting remembrance. |
| 7 | Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. | He shall not be afraid of evil tidings: his heart is fixed, trusting in the Lord. |
| 8 | Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. | His heart is established, he shall not be afraid, until he see his desire upon his enemies. |
| 9 | Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan. | He hath dispersed, he hath given to the poor; his righteousness endureth for ever; his horn shall be exalted with honour. |
| 10 | Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam. | The wicked shall see it, and be grieved; he shall gnash with his teeth, and melt away: the desire of the wicked shall perish. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL