시편 111편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 10절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan. | Praise ye the Lord. I will praise the Lord with my whole heart, in the assembly of the upright, and in the congregation. |
| 2 | Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan. | The works of the Lord are great, sought out of all them that have pleasure therein. |
| 3 | Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. | His work is honourable and glorious: and his righteousness endureth for ever. |
| 4 | Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan. | He hath made his wonderful works to be remembered: the Lord is gracious and full of compassion. |
| 5 | Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan. | He hath given meat unto them that fear him: he will ever be mindful of his covenant. |
| 6 | Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa. | He hath shewed his people the power of his works, that he may give them the heritage of the heathen. |
| 7 | Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan: lahat niyang mga tuntunin ay tunay. | The works of his hands are verity and judgment; all his commandments are sure. |
| 8 | Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa katotohanan at katuwiran. | They stand fast for ever and ever, and are done in truth and uprightness. |
| 9 | Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man: banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan. | He sent redemption unto his people: he hath commanded his covenant for ever: holy and reverend is his name. |
| 10 | Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man. | The fear of the Lord is the beginning of wisdom: a good understanding have all they that do his commandments: his praise endureth for ever. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL