시편 103편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. | Bless the Lord, O my soul: and all that is within me, bless his holy name. |
| 2 | Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa. | Bless the Lord, O my soul, and forget not all his benefits: |
| 3 | Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; | Who forgiveth all thine iniquities; who healeth all thy diseases; |
| 4 | Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: | Who redeemeth thy life from destruction; who crowneth thee with lovingkindness and tender mercies; |
| 5 | Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila. | Who satisfieth thy mouth with good things; so that thy youth is renewed like the eagle’s. |
| 6 | Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi. | The Lord executeth righteousness and judgment for all that are oppressed. |
| 7 | Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises, ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel. | He made known his ways unto Moses, his acts unto the children of Israel. |
| 8 | Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob. | The Lord is merciful and gracious, slow to anger, and plenteous in mercy. |
| 9 | Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man. | He will not always chide: neither will he keep his anger for ever. |
| 10 | Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan. | He hath not dealt with us after our sins; nor rewarded us according to our iniquities. |
| 11 | Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. | For as the heaven is high above the earth, so great is his mercy toward them that fear him. |
| 12 | Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin. | As far as the east is from the west, so far hath he removed our transgressions from us. |
| 13 | Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya. | Like as a father pitieth his children, so the Lord pitieth them that fear him. |
| 14 | Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok. | For he knoweth our frame; he remembereth that we are dust. |
| 15 | Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya. | As for man, his days are as grass: as a flower of the field, so he flourisheth. |
| 16 | Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman. | For the wind passeth over it, and it is gone; and the place thereof shall know it no more. |
| 17 | Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak; | But the mercy of the Lord is from everlasting to everlasting upon them that fear him, and his righteousness unto children’s children; |
| 18 | Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan, at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin, | To such as keep his covenant, and to those that remember his commandments to do them. |
| 19 | Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit; at ang kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat. | The Lord hath prepared his throne in the heavens; and his kingdom ruleth over all. |
| 20 | Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya: ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita, na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita. | Bless the Lord, ye his angels, that excel in strength, that do his commandments, hearkening unto the voice of his word. |
| 21 | Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya; ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan. | Bless ye the Lord, all ye his hosts; ye ministers of his, that do his pleasure. |
| 22 | Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya, sa lahat na dako na kaniyang sakop; purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. | Bless the Lord, all his works in all places of his dominion: bless the Lord, O my soul. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL