시편 104편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 35절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan. | Bless the Lord, O my soul. O Lord my God, thou art very great; thou art clothed with honour and majesty. |
| 2 | Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing: | Who coverest thyself with light as with a garment: who stretchest out the heavens like a curtain: |
| 3 | Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin: | Who layeth the beams of his chambers in the waters: who maketh the clouds his chariot: who walketh upon the wings of the wind: |
| 4 | Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy: | Who maketh his angels spirits; his ministers a flaming fire: |
| 5 | Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man, | Who laid the foundations of the earth, that it should not be removed for ever. |
| 6 | Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok. | Thou coveredst it with the deep as with a garment: the waters stood above the mountains. |
| 7 | Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila; | At thy rebuke they fled; at the voice of thy thunder they hasted away. |
| 8 | Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila. | They go up by the mountains; they go down by the valleys unto the place which thou hast founded for them. |
| 9 | Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa. | Thou hast set a bound that they may not pass over; that they turn not again to cover the earth. |
| 10 | Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok: | He sendeth the springs into the valleys, which run among the hills. |
| 11 | Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno. | They give drink to every beast of the field: the wild asses quench their thirst. |
| 12 | Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga. | By them shall the fowls of the heaven have their habitation, which sing among the branches. |
| 13 | Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa. | He watereth the hills from his chambers: the earth is satisfied with the fruit of thy works. |
| 14 | Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa: | He causeth the grass to grow for the cattle, and herb for the service of man: that he may bring forth food out of the earth; |
| 15 | At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao. | And wine that maketh glad the heart of man, and oil to make his face to shine, and bread which strengtheneth man’s heart. |
| 16 | Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim; | The trees of the Lord are full of sap; the cedars of Lebanon, which he hath planted; |
| 17 | Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay. | Where the birds make their nests: as for the stork, the fir trees are her house. |
| 18 | Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho. | The high hills are a refuge for the wild goats; and the rocks for the conies. |
| 19 | Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog. | He appointed the moon for seasons: the sun knoweth his going down. |
| 20 | Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat. | Thou makest darkness, and it is night: wherein all the beasts of the forest do creep forth. |
| 21 | Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain. | The young lions roar after their prey, and seek their meat from God. |
| 22 | Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib. | The sun ariseth, they gather themselves together, and lay them down in their dens. |
| 23 | Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan. | Man goeth forth unto his work and to his labour until the evening. |
| 24 | Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan. | O Lord, how manifold are thy works! in wisdom hast thou made them all: the earth is full of thy riches. |
| 25 | Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman. | So is this great and wide sea, wherein are things creeping innumerable, both small and great beasts. |
| 26 | Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon. | There go the ships: there is that leviathan, whom thou hast made to play therein. |
| 27 | Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan. | These wait all upon thee; that thou mayest give them their meat in due season. |
| 28 | Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan. | That thou givest them they gather: thou openest thine hand, they are filled with good. |
| 29 | Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok. | Thou hidest thy face, they are troubled: thou takest away their breath, they die, and return to their dust. |
| 30 | Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa. | Thou sendest forth thy spirit, they are created: and thou renewest the face of the earth. |
| 31 | Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa: | The glory of the Lord shall endure for ever: the Lord shall rejoice in his works. |
| 32 | Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok. | He looketh on the earth, and it trembleth: he toucheth the hills, and they smoke. |
| 33 | Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan. | I will sing unto the Lord as long as I live: I will sing praise to my God while I have my being. |
| 34 | Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon. | My meditation of him shall be sweet: I will be glad in the Lord. |
| 35 | Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon. | Let the sinners be consumed out of the earth, and let the wicked be no more. Bless thou the Lord, O my soul. Praise ye the Lord. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL