시편 102편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo. | Hear my prayer, O Lord, and let my cry come unto thee. |
| 2 | Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali. | Hide not thy face from me in the day when I am in trouble; incline thine ear unto me: in the day when I call answer me speedily. |
| 3 | Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong. | For my days are consumed like smoke, and my bones are burned as an hearth. |
| 4 | Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay. | My heart is smitten, and withered like grass; so that I forget to eat my bread. |
| 5 | Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman. | By reason of the voice of my groaning my bones cleave to my skin. |
| 6 | Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. | I am like a pelican of the wilderness: I am like an owl of the desert. |
| 7 | Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan. | I watch, and am as a sparrow alone upon the house top. |
| 8 | Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin. | Mine enemies reproach me all the day; and they that are mad against me are sworn against me. |
| 9 | Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak. | For I have eaten ashes like bread, and mingled my drink with weeping, |
| 10 | Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis. | Because of thine indignation and thy wrath: for thou hast lifted me up, and cast me down. |
| 11 | Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo. | My days are like a shadow that declineth; and I am withered like grass. |
| 12 | Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi. | But thou, O Lord, shalt endure for ever; and thy remembrance unto all generations. |
| 13 | Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating. | Thou shalt arise, and have mercy upon Zion: for the time to favour her, yea, the set time, is come. |
| 14 | Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok. | For thy servants take pleasure in her stones, and favour the dust thereof. |
| 15 | Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian; | So the heathen shall fear the name of the Lord, and all the kings of the earth thy glory. |
| 16 | Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian; | When the Lord shall build up Zion, he shall appear in his glory. |
| 17 | Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin. | He will regard the prayer of the destitute, and not despise their prayer. |
| 18 | Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon. | This shall be written for the generation to come: and the people which shall be created shall praise the Lord. |
| 19 | Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit; | For he hath looked down from the height of his sanctuary; from heaven did the Lord behold the earth; |
| 20 | Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin; | To hear the groaning of the prisoner; to loose those that are appointed to death; |
| 21 | Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem; | To declare the name of the Lord in Zion, and his praise in Jerusalem; |
| 22 | Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon. | When the people are gathered together, and the kingdoms, to serve the Lord. |
| 23 | Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko. | He weakened my strength in the way; he shortened my days. |
| 24 | Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan; ang mga taon mo'y lampas sa mga sali't saling lahi. | I said, O my God, take me not away in the midst of my days: thy years are throughout all generations. |
| 25 | Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay. | Of old hast thou laid the foundation of the earth: and the heavens are the work of thy hands. |
| 26 | Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan: | They shall perish, but thou shalt endure: yea, all of them shall wax old like a garment; as a vesture shalt thou change them, and they shall be changed: |
| 27 | Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas. | But thou art the same, and thy years shall have no end. |
| 28 | Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo. | The children of thy servants shall continue, and their seed shall be established before thee. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL