잠언 26장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang. | As snow in summer, and as rain in harvest, so honour is not seemly for a fool. |
| 2 | Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab. | As the bird by wandering, as the swallow by flying, so the curse causeless shall not come. |
| 3 | Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang. | A whip for the horse, a bridle for the ass, and a rod for the fool’s back. |
| 4 | Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya. | Answer not a fool according to his folly, lest thou also be like unto him. |
| 5 | Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya. | Answer a fool according to his folly, lest he be wise in his own conceit. |
| 6 | Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan. | He that sendeth a message by the hand of a fool cutteth off the feet, and drinketh damage. |
| 7 | Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. | The legs of the lame are not equal: so is a parable in the mouth of fools. |
| 8 | Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang. | As he that bindeth a stone in a sling, so is he that giveth honour to a fool. |
| 9 | Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. | As a thorn goeth up into the hand of a drunkard, so is a parable in the mouth of fools. |
| 10 | Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon. | The great God that formed all things both rewardeth the fool, and rewardeth transgressors. |
| 11 | Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan. | As a dog returneth to his vomit, so a fool returneth to his folly. |
| 12 | Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya. | Seest thou a man wise in his own conceit? there is more hope of a fool than of him. |
| 13 | Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan. | The slothful man saith, There is a lion in the way; a lion is in the streets. |
| 14 | Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan. | As the door turneth upon his hinges, so doth the slothful upon his bed. |
| 15 | Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig. | The slothful hideth his hand in his bosom; it grieveth him to bring it again to his mouth. |
| 16 | Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran. | The sluggard is wiser in his own conceit than seven men that can render a reason. |
| 17 | Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga. | He that passeth by, and meddleth with strife belonging not to him, is like one that taketh a dog by the ears. |
| 18 | Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan; | As a mad man who casteth firebrands, arrows, and death, |
| 19 | Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang? | So is the man that deceiveth his neighbour, and saith, Am not I in sport? |
| 20 | Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. | Where no wood is, there the fire goeth out: so where there is no talebearer, the strife ceaseth. |
| 21 | Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit. | As coals are to burning coals, and wood to fire; so is a contentious man to kindle strife. |
| 22 | Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. | The words of a talebearer are as wounds, and they go down into the innermost parts of the belly. |
| 23 | Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak. | Burning lips and a wicked heart are like a potsherd covered with silver dross. |
| 24 | Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya: | He that hateth dissembleth with his lips, and layeth up deceit within him; |
| 25 | Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso: | When he speaketh fair, believe him not: for there are seven abominations in his heart. |
| 26 | Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan. | Whose hatred is covered by deceit, his wickedness shall be shewed before the whole congregation. |
| 27 | Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya. | Whoso diggeth a pit shall fall therein: and he that rolleth a stone, it will return upon him. |
| 28 | Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan. | A lying tongue hateth those that are afflicted by it; and a flattering mouth worketh ruin. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL