잠언 25장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 잠언 (Proverbs) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda. | These are also proverbs of Solomon, which the men of Hezekiah king of Judah copied out. |
| 2 | Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay. | It is the glory of God to conceal a thing: but the honour of kings is to search out a matter. |
| 3 | Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod. | The heaven for height, and the earth for depth, and the heart of kings is unsearchable. |
| 4 | Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo: | Take away the dross from the silver, and there shall come forth a vessel for the finer. |
| 5 | Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran. | Take away the wicked from before the king, and his throne shall be established in righteousness. |
| 6 | Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao: | Put not forth thyself in the presence of the king, and stand not in the place of great men: |
| 7 | Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata. | For better it is that it be said unto thee, Come up hither; than that thou shouldest be put lower in the presence of the prince whom thine eyes have seen. |
| 8 | Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa. | Go not forth hastily to strive, lest thou know not what to do in the end thereof, when thy neighbour hath put thee to shame. |
| 9 | Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba: | Debate thy cause with thy neighbour himself; and discover not a secret to another: |
| 10 | Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis. | Lest he that heareth it put thee to shame, and thine infamy turn not away. |
| 11 | Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak. | A word fitly spoken is like apples of gold in pictures of silver. |
| 12 | Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig. | As an earring of gold, and an ornament of fine gold, so is a wise reprover upon an obedient ear. |
| 13 | Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon. | As the cold of snow in the time of harvest, so is a faithful messenger to them that send him: for he refresheth the soul of his masters. |
| 14 | Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan. | Whoso boasteth himself of a false gift is like clouds and wind without rain. |
| 15 | Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto. | By long forbearing is a prince persuaded, and a soft tongue breaketh the bone. |
| 16 | Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka. | Hast thou found honey? eat so much as is sufficient for thee, lest thou be filled therewith, and vomit it. |
| 17 | Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa; baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka. | Withdraw thy foot from thy neighbour’s house; lest he be weary of thee, and so hate thee. |
| 18 | Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana. | A man that beareth false witness against his neighbour is a maul, and a sword, and a sharp arrow. |
| 19 | Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa. | Confidence in an unfaithful man in time of trouble is like a broken tooth, and a foot out of joint. |
| 20 | Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa, gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso. | As he that taketh away a garment in cold weather, and as vinegar upon nitre, so is he that singeth songs to an heavy heart. |
| 21 | Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom: | If thine enemy be hungry, give him bread to eat; and if he be thirsty, give him water to drink: |
| 22 | Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon. | For thou shalt heap coals of fire upon his head, and the Lord shall reward thee. |
| 23 | Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit. | The north wind driveth away rain: so doth an angry countenance a backbiting tongue. |
| 24 | Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay. | It is better to dwell in the corner of the housetop, than with a brawling woman and in a wide house. |
| 25 | Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain. | As cold waters to a thirsty soul, so is good news from a far country. |
| 26 | Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama. | A righteous man falling down before the wicked is as a troubled fountain, and a corrupt spring. |
| 27 | Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian. | It is not good to eat much honey: so for men to search their own glory is not glory. |
| 28 | Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta. | He that hath no rule over his own spirit is like a city that is broken down, and without walls. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL