욥기 30장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 31절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan. | But now they that are younger than I have me in derision, whose fathers I would have disdained to have set with the dogs of my flock. |
| 2 | Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na. | Yea, whereto might the strength of their hands profit me, in whom old age was perished? |
| 3 | Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom; kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan. | For want and famine they were solitary; fleeing into the wilderness in former time desolate and waste. |
| 4 | Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain. | Who cut up mallows by the bushes, and juniper roots for their meat. |
| 5 | Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao; sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw. | They were driven forth from among men, (they cried after them as after a thief;) |
| 6 | Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis, sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato. | To dwell in the clifts of the valleys, in caves of the earth, and in the rocks. |
| 7 | Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan. | Among the bushes they brayed; under the nettles they were gathered together. |
| 8 | Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao; sila'y mga itinapon mula sa lupain. | They were children of fools, yea, children of base men: they were viler than the earth. |
| 9 | At ngayon ay naging kantahin nila ako, Oo, ako'y kasabihan sa kanila. | And now am I their song, yea, I am their byword. |
| 10 | Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako, at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha. | They abhor me, they flee far from me, and spare not to spit in my face. |
| 11 | Sapagka't kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako, at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko. | Because he hath loosed my cord, and afflicted me, they have also let loose the bridle before me. |
| 12 | Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga; itinutulak nila ang aking mga paa, at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak. | Upon my right hand rise the youth; they push away my feet, and they raise up against me the ways of their destruction. |
| 13 | Kanilang sinisira ang aking landas, kanilang isinusulong ang aking kapahamakan, mga taong walang tumulong. | They mar my path, they set forward my calamity, they have no helper. |
| 14 | Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan: sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila. | They came upon me as a wide breaking in of waters: in the desolation they rolled themselves upon me. |
| 15 | Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin, kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap. | Terrors are turned upon me: they pursue my soul as the wind: and my welfare passeth away as a cloud. |
| 16 | At ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin. | And now my soul is poured out upon me; the days of affliction have taken hold upon me. |
| 17 | Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto, at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga. | My bones are pierced in me in the night season: and my sinews take no rest. |
| 18 | Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot: tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro. | By the great force of my disease is my garment changed: it bindeth me about as the collar of my coat. |
| 19 | Inihahagis niya ako sa banlik, at ako'y naging parang alabok at mga abo. | He hath cast me into the mire, and I am become like dust and ashes. |
| 20 | Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot: ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako. | I cry unto thee, and thou dost not hear me: I stand up, and thou regardest me not. |
| 21 | Ikaw ay naging mabagsik sa akin: sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako. | Thou art become cruel to me: with thy strong hand thou opposest thyself against me. |
| 22 | Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon; at tinutunaw mo ako sa bagyo. | Thou liftest me up to the wind; thou causest me to ride upon it, and dissolvest my substance. |
| 23 | Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan, at sa bahay na takda sa lahat na may buhay. | For I know that thou wilt bring me to death, and to the house appointed for all living. |
| 24 | Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong? | Howbeit he will not stretch out his hand to the grave, though they cry in his destruction. |
| 25 | Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan? | Did not I weep for him that was in trouble? was not my soul grieved for the poor? |
| 26 | Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating: at pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating. | When I looked for good, then evil came unto me: and when I waited for light, there came darkness. |
| 27 | Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin. | My bowels boiled, and rested not: the days of affliction prevented me. |
| 28 | Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw; ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong. | I went mourning without the sun: I stood up, and I cried in the congregation. |
| 29 | Ako'y kapatid ng mga chakal, at mga kasama ng mga avestruz. | I am a brother to dragons, and a companion to owls. |
| 30 | Ang aking balat ay maitim, at natutuklap, at ang aking mga buto ay nagpapaltos. | My skin is black upon me, and my bones are burned with heat. |
| 31 | Kaya't ang aking alpa ay naging panangis, at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak. | My harp also is turned to mourning, and my organ into the voice of them that weep. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL