욥기 29장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 25절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi, | Moreover Job continued his parable, and said, |
| 2 | Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios; | Oh that I were as in months past, as in the days when God preserved me; |
| 3 | Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman; | When his candle shined upon my head, and when by his light I walked through darkness; |
| 4 | Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda; | As I was in the days of my youth, when the secret of God was upon my tabernacle; |
| 5 | Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko; | When the Almighty was yet with me, when my children were about me; |
| 6 | Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis! | When I washed my steps with butter, and the rock poured me out rivers of oil; |
| 7 | Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan, | When I went out to the gate through the city, when I prepared my seat in the street! |
| 8 | Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo: | The young men saw me, and hid themselves: and the aged arose, and stood up. |
| 9 | Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig; | The princes refrained talking, and laid their hand on their mouth. |
| 10 | Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig. | The nobles held their peace, and their tongue cleaved to the roof of their mouth. |
| 11 | Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin: | When the ear heard me, then it blessed me; and when the eye saw me, it gave witness to me: |
| 12 | Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya. | Because I delivered the poor that cried, and the fatherless, and him that had none to help him. |
| 13 | Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao. | The blessing of him that was ready to perish came upon me: and I caused the widow’s heart to sing for joy. |
| 14 | Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema. | I put on righteousness, and it clothed me: my judgment was as a robe and a diadem. |
| 15 | Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay. | I was eyes to the blind, and feet was I to the lame. |
| 16 | Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat. | I was a father to the poor: and the cause which I knew not I searched out. |
| 17 | At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin. | And I brake the jaws of the wicked, and plucked the spoil out of his teeth. |
| 18 | Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin: | Then I said, I shall die in my nest, and I shall multiply my days as the sand. |
| 19 | Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga: | My root was spread out by the waters, and the dew lay all night upon my branch. |
| 20 | Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay. | My glory was fresh in me, and my bow was renewed in my hand. |
| 21 | Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo. | Unto me men gave ear, and waited, and kept silence at my counsel. |
| 22 | Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila. | After my words they spake not again; and my speech dropped upon them. |
| 23 | At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan. | And they waited for me as for the rain; and they opened their mouth wide as for the latter rain. |
| 24 | Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak. | If I laughed on them, they believed it not; and the light of my countenance they cast not down. |
| 25 | Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis. | I chose out their way, and sat chief, and dwelt as a king in the army, as one that comforteth the mourners. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL