욥기 27장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 23절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi, | Moreover Job continued his parable, and said, |
| 2 | Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa; | As God liveth, who hath taken away my judgment; and the Almighty, who hath vexed my soul; |
| 3 | (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong); | All the while my breath is in me, and the spirit of God is in my nostrils; |
| 4 | Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan, ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan. | My lips shall not speak wickedness, nor my tongue utter deceit. |
| 5 | Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap: Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat. | God forbid that I should justify you: till I die I will not remove mine integrity from me. |
| 6 | Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay. | My righteousness I hold fast, and will not let it go: my heart shall not reproach me so long as I live. |
| 7 | Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama, at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko. | Let mine enemy be as the wicked, and he that riseth up against me as the unrighteous. |
| 8 | Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa? | For what is the hope of the hypocrite, though he hath gained, when God taketh away his soul? |
| 9 | Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak, pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya? | Will God hear his cry when trouble cometh upon him? |
| 10 | Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat, at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon? | Will he delight himself in the Almighty? will he always call upon God? |
| 11 | Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim. | I will teach you by the hand of God: that which is with the Almighty will I not conceal. |
| 12 | Narito, kayong lahat ay nangakakita; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan? | Behold, all ye yourselves have seen it; why then are ye thus altogether vain? |
| 13 | Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat. | This is the portion of a wicked man with God, and the heritage of oppressors, which they shall receive of the Almighty. |
| 14 | Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay. | If his children be multiplied, it is for the sword: and his offspring shall not be satisfied with bread. |
| 15 | Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy. | Those that remain of him shall be buried in death: and his widows shall not weep. |
| 16 | Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik; | Though he heap up silver as the dust, and prepare raiment as the clay; |
| 17 | Maihahanda niya, nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak. | He may prepare it, but the just shall put it on, and the innocent shall divide the silver. |
| 18 | Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay. | He buildeth his house as a moth, and as a booth that the keeper maketh. |
| 19 | Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya. | The rich man shall lie down, but he shall not be gathered: he openeth his eyes, and he is not. |
| 20 | Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan, | Terrors take hold on him as waters, a tempest stealeth him away in the night. |
| 21 | Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako. | The east wind carrieth him away, and he departeth: and as a storm hurleth him out of his place. |
| 22 | Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay. | For God shall cast upon him, and not spare: he would fain flee out of his hand. |
| 23 | Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako. | Men shall clap their hands at him, and shall hiss him out of his place. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL