욥기 26장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 14절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, | But Job answered and said, |
| 2 | Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas! | How hast thou helped him that is without power? how savest thou the arm that hath no strength? |
| 3 | Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! | How hast thou counselled him that hath no wisdom? and how hast thou plentifully declared the thing as it is? |
| 4 | Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo? | To whom hast thou uttered words? and whose spirit came from thee? |
| 5 | Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon. | Dead things are formed from under the waters, and the inhabitants thereof. |
| 6 | Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. | Hell is naked before him, and destruction hath no covering. |
| 7 | Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala. | He stretcheth out the north over the empty place, and hangeth the earth upon nothing. |
| 8 | Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila. | He bindeth up the waters in his thick clouds; and the cloud is not rent under them. |
| 9 | Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon. | He holdeth back the face of his throne, and spreadeth his cloud upon it. |
| 10 | Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman. | He hath compassed the waters with bounds, until the day and night come to an end. |
| 11 | Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway. | The pillars of heaven tremble and are astonished at his reproof. |
| 12 | Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab. | He divideth the sea with his power, and by his understanding he smiteth through the proud. |
| 13 | Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas. | By his spirit he hath garnished the heavens; his hand hath formed the crooked serpent. |
| 14 | Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan? | Lo, these are parts of his ways: but how little a portion is heard of him? but the thunder of his power who can understand? |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL