욥기 13장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 28절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. | Lo, mine eye hath seen all this, mine ear hath heard and understood it. |
| 2 | Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo. | What ye know, the same do I know also: I am not inferior unto you. |
| 3 | Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. | Surely I would speak to the Almighty, and I desire to reason with God. |
| 4 | Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan. | But ye are forgers of lies, ye are all physicians of no value. |
| 5 | Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. | O that ye would altogether hold your peace! and it should be your wisdom. |
| 6 | Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. | Hear now my reasoning, and hearken to the pleadings of my lips. |
| 7 | Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? | Will ye speak wickedly for God? and talk deceitfully for him? |
| 8 | Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? | Will ye accept his person? will ye contend for God? |
| 9 | Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? | Is it good that he should search you out? or as one man mocketh another, do ye so mock him? |
| 10 | Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. | He will surely reprove you, if ye do secretly accept persons. |
| 11 | Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? | Shall not his excellency make you afraid? and his dread fall upon you? |
| 12 | Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik. | Your remembrances are like unto ashes, your bodies to bodies of clay. |
| 13 | Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating. | Hold your peace, let me alone, that I may speak, and let come on me what will. |
| 14 | Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay? | Wherefore do I take my flesh in my teeth, and put my life in mine hand? |
| 15 | Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya. | Though he slay me, yet will I trust in him: but I will maintain mine own ways before him. |
| 16 | Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya. | He also shall be my salvation: for an hypocrite shall not come before him. |
| 17 | Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig. | Hear diligently my speech, and my declaration with your ears. |
| 18 | Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid. | Behold now, I have ordered my cause; I know that I shall be justified. |
| 19 | Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga. | Who is he that will plead with me? for now, if I hold my tongue, I shall give up the ghost. |
| 20 | Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha: | Only do not two things unto me: then will I not hide myself from thee. |
| 21 | Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo. | Withdraw thine hand far from me: and let not thy dread make me afraid. |
| 22 | Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin. | Then call thou, and I will answer: or let me speak, and answer thou me. |
| 23 | Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan. | How many are mine iniquities and sins? make me to know my transgression and my sin. |
| 24 | Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway? | Wherefore hidest thou thy face, and holdest me for thine enemy? |
| 25 | Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo? | Wilt thou break a leaf driven to and fro? and wilt thou pursue the dry stubble? |
| 26 | Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan: | For thou writest bitter things against me, and makest me to possess the iniquities of my youth. |
| 27 | Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa: | Thou puttest my feet also in the stocks, and lookest narrowly unto all my paths; thou settest a print upon the heels of my feet. |
| 28 | Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga. | And he, as a rotten thing, consumeth, as a garment that is moth eaten. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL