욥기 12장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 25절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi, | And Job answered and said, |
| 2 | Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan, At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo. | No doubt but ye are the people, and wisdom shall die with you. |
| 3 | Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo: Hindi ako huli sa inyo: Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito? | But I have understanding as well as you; I am not inferior to you: yea, who knoweth not such things as these? |
| 4 | Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa, ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya: Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan. | I am as one mocked of his neighbour, who calleth upon God, and he answereth him: the just upright man is laughed to scorn. |
| 5 | Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi; nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa. | He that is ready to slip with his feet is as a lamp despised in the thought of him that is at ease. |
| 6 | Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa, at silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay; na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana. | The tabernacles of robbers prosper, and they that provoke God are secure; into whose hand God bringeth abundantly. |
| 7 | Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo: | But ask now the beasts, and they shall teach thee; and the fowls of the air, and they shall tell thee: |
| 8 | O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo. | Or speak to the earth, and it shall teach thee: and the fishes of the sea shall declare unto thee. |
| 9 | Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito? | Who knoweth not in all these that the hand of the Lord hath wrought this? |
| 10 | Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao. | In whose hand is the soul of every living thing, and the breath of all mankind. |
| 11 | Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya? | Doth not the ear try words? and the mouth taste his meat? |
| 12 | Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa. | With the ancient is wisdom; and in length of days understanding. |
| 13 | Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa. | With him is wisdom and strength, he hath counsel and understanding. |
| 14 | Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan. | Behold, he breaketh down, and it cannot be built again: he shutteth up a man, and there can be no opening. |
| 15 | Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa. | Behold, he withholdeth the waters, and they dry up: also he sendeth them out, and they overturn the earth. |
| 16 | Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan, ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya. | With him is strength and wisdom: the deceived and the deceiver are his. |
| 17 | Kaniyang pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait, at ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom. | He leadeth counsellors away spoiled, and maketh the judges fools. |
| 18 | Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari, at binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis. | He looseth the bond of kings, and girdeth their loins with a girdle. |
| 19 | Kaniyang pinalalakad na hubad sa bait ang mga saserdote. | He leadeth princes away spoiled, and overthroweth the mighty. |
| 20 | Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan. At inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda. | He removeth away the speech of the trusty, and taketh away the understanding of the aged. |
| 21 | Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo, at kinakalag ang pamigkis ng malakas. | He poureth contempt upon princes, and weakeneth the strength of the mighty. |
| 22 | Siya'y naglilitaw ng mga malalim na bagay mula sa kadiliman, at inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan. | He discovereth deep things out of darkness, and bringeth out to light the shadow of death. |
| 23 | Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya: kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag. | He increaseth the nations, and destroyeth them: he enlargeth the nations, and straiteneth them again. |
| 24 | Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan. | He taketh away the heart of the chief of the people of the earth, and causeth them to wander in a wilderness where there is no way. |
| 25 | Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag, at kaniyang pinagigiraygiray sila na gaya ng lango. | They grope in the dark without light, and he maketh them to stagger like a drunken man. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL