욥기 13장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 욥기 (Job) · 28절
- 1 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
- 2 Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo.
- 3 Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
- 4 Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
- 5 Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan.
- 6 Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
- 7 Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
- 8 Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
- 9 Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
- 10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
- 11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
- 12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
- 13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating.
- 14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
- 15 Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
- 16 Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
- 17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
- 18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid.
- 19 Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
- 20 Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
- 21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
- 22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
- 23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
- 24 Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway?
- 25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
- 26 Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
- 27 Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
- 28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- KJV 와 나란히
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗