요한복음 7장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 요한복음 (John) · 53절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea: sapagka't ayaw siyang maglakad sa Judea, dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya'y patayin. | After these things Jesus walked in Galilee: for he would not walk in Jewry, because the Jews sought to kill him. |
| 2 | Malapit na nga ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga tabernakulo. | Now the Jews’ feast of tabernacles was at hand. |
| 3 | Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa. | His brethren therefore said unto him, Depart hence, and go into Judea, that thy disciples also may see the works that thou doest. |
| 4 | Sapagka't walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan. | For there is no man that doeth any thing in secret, and he himself seeketh to be known openly. If thou do these things, shew thyself to the world. |
| 5 | Sapagka't kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya. | For neither did his brethren believe in him. |
| 6 | Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Hindi pa dumarating ang aking panahon; datapuwa't ang inyong panahon ay laging nahahanda. | Then Jesus said unto them, My time is not yet come: but your time is alway ready. |
| 7 | Hindi mangyayaring kayo'y kapootan ng sanglibutan; nguni't ako'y kinapopootan, sapagka't siya'y aking pinatototohanang masasama ang kaniyang mga gawa. | The world cannot hate you; but me it hateth, because I testify of it, that the works thereof are evil. |
| 8 | Mangagsiahon kayo sa pista: ako'y hindi aahon sa pistang ito; sapagka't hindi pa nagaganap ang aking panahon. | Go ye up unto this feast: I go not up yet unto this feast; for my time is not yet full come. |
| 9 | At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito, ay nanahan pa siya sa Galilea. | When he had said these words unto them, he abode still in Galilee. |
| 10 | Datapuwa't nang mangakaahon na ang kaniyang mga kapatid sa pista, saka naman siya umahon, hindi sa hayag, kundi waring sa lihim. | But when his brethren were gone up, then went he also up unto the feast, not openly, but as it were in secret. |
| 11 | Hinahanap nga siya ng mga Judio sa pista, at kanilang sinasabi, Saan naroon siya? | Then the Jews sought him at the feast, and said, Where is he? |
| 12 | At nagkaroon ng maraming bulongbulungan tungkol sa kaniya ang karamihan: sinasabi ng ilan, Siya'y taong mabuti; sinasabi ng mga iba, Hindi gayon, kundi inililigaw niya ang karamihan. | And there was much murmuring among the people concerning him: for some said, He is a good man: others said, Nay; but he deceiveth the people. |
| 13 | Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio. | Howbeit no man spake openly of him for fear of the Jews. |
| 14 | Datapuwa't nang ang kapistahan nga'y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo, at nagturo. | Now about the midst of the feast Jesus went up into the temple, and taught. |
| 15 | Nagsipanggilalas nga ang mga Judio, na nangagsasabi, Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man? | And the Jews marvelled, saying, How knoweth this man letters, having never learned? |
| 16 | Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. | Jesus answered them, and said, My doctrine is not mine, but his that sent me. |
| 17 | Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. | If any man will do his will, he shall know of the doctrine, whether it be of God, or whether I speak of myself. |
| 18 | Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan. | He that speaketh of himself seeketh his own glory: but he that seeketh his glory that sent him, the same is true, and no unrighteousness is in him. |
| 19 | Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayon ma'y wala sa inyong gumaganap ng kautusan? Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin? | Did not Moses give you the law, and yet none of you keepeth the law? Why go ye about to kill me? |
| 20 | Sumagot ang karamihan, Mayroon kang demonio: sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin? | The people answered and said, Thou hast a devil: who goeth about to kill thee? |
| 21 | Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Isang gawa ang aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon. | Jesus answered and said unto them, I have done one work, and ye all marvel. |
| 22 | Ibinigay sa inyo ni Moises ang pagtutuli (hindi sa ito'y kay Moises, kundi sa mga magulang); at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake. | Moses therefore gave unto you circumcision; (not because it is of Moses, but of the fathers;) and ye on the sabbath day circumcise a man. |
| 23 | Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath, upang huwag labagin ang kautusan ni Moises; nangagagalit baga kayo sa akin, dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao sa sabbath? | If a man on the sabbath day receive circumcision, that the law of Moses should not be broken; are ye angry at me, because I have made a man every whit whole on the sabbath day? |
| 24 | Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol. | Judge not according to the appearance, but judge righteous judgment. |
| 25 | Sinabi nga ng ilang taga Jerusalem, Hindi baga ito ang kanilang pinagsisikapang patayin? | Then said some of them of Jerusalem, Is not this he, whom they seek to kill? |
| 26 | At narito, siya'y hayag na nagsasalita, at walang anomang sinasabi sila sa kaniya. Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo? | But, lo, he speaketh boldly, and they say nothing unto him. Do the rulers know indeed that this is the very Christ? |
| 27 | Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam kung taga saan siya. | Howbeit we know this man whence he is: but when Christ cometh, no man knoweth whence he is. |
| 28 | Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala. | Then cried Jesus in the temple as he taught, saying, Ye both know me, and ye know whence I am: and I am not come of myself, but he that sent me is true, whom ye know not. |
| 29 | Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin. | But I know him: for I am from him, and he hath sent me. |
| 30 | Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras. | Then they sought to take him: but no man laid hands on him, because his hour was not yet come. |
| 31 | Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito? | And many of the people believed on him, and said, When Christ cometh, will he do more miracles than these which this man hath done? |
| 32 | Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ng mga punong kawal upang siya'y hulihin. | The Pharisees heard that the people murmured such things concerning him; and the Pharisees and the chief priests sent officers to take him. |
| 33 | Sinabi nga ni Jesus, Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon, at ako'y paroroon sa nagsugo sa akin. | Then said Jesus unto them, Yet a little while am I with you, and then I go unto him that sent me. |
| 34 | Hahanapin ninyo ako, at hindi ako masusumpungan: at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon. | Ye shall seek me, and shall not find me: and where I am, thither ye cannot come. |
| 35 | Ang mga Judio nga'y nangagsangusapan, Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan? siya kaya'y paroroon sa nagsisipangalat sa gitna ng mga Griego, at magtuturo sa mga Griego? | Then said the Jews among themselves, Whither will he go, that we shall not find him? will he go unto the dispersed among the Gentiles, and teach the Gentiles? |
| 36 | Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi, Hahanapin ninyo ako, at hindi ninyo ako masusumpungan; at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon? | What manner of saying is this that he said, Ye shall seek me, and shall not find me: and where I am, thither ye cannot come? |
| 37 | Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom. | In the last day, that great day of the feast, Jesus stood and cried, saying, If any man thirst, let him come unto me, and drink. |
| 38 | Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. | He that believeth on me, as the scripture hath said, out of his belly shall flow rivers of living water. |
| 39 | (Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.) | (But this spake he of the Spirit, which they that believe on him should receive: for the Holy Ghost was not yet given; because that Jesus was not yet glorified.) |
| 40 | Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito ang propeta. | Many of the people therefore, when they heard this saying, said, Of a truth this is the Prophet. |
| 41 | Sinasabi ng mga iba, Ito nga ang Cristo. Datapuwa't sinasabi ng ilan, Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo? | Others said, This is the Christ. But some said, Shall Christ come out of Galilee? |
| 42 | Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa Bet-lehem, ang nayong kinaroonan ni David? | Hath not the scripture said, That Christ cometh of the seed of David, and out of the town of Bethlehem, where David was? |
| 43 | Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya. | So there was a division among the people because of him. |
| 44 | At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya. | And some of them would have taken him; but no man laid hands on him. |
| 45 | Nagsidating nga ang mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala? | Then came the officers to the chief priests and Pharisees; and they said unto them, Why have ye not brought him? |
| 46 | Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon. | The officers answered, Never man spake like this man. |
| 47 | Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin? | Then answered them the Pharisees, Are ye also deceived? |
| 48 | Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo? | Have any of the rulers or of the Pharisees believed on him? |
| 49 | Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa. | But this people who knoweth not the law are cursed. |
| 50 | Sinabi sa kanila ni Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila), | Nicodemus saith unto them, (he that came to Jesus by night, being one of them,) |
| 51 | Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa? | Doth our law judge any man, before it hear him, and know what he doeth? |
| 52 | Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta. | They answered and said unto him, Art thou also of Galilee? Search, and look: for out of Galilee ariseth no prophet. |
| 53 | Ang bawa't tao'y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay: | And every man went unto his own house. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL