예레미야애가 5장 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 예레미야애가 (Lamentations) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta. | Remember, O Lord, what is come upon us: consider, and behold our reproach. |
| 2 | Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan. | Our inheritance is turned to strangers, our houses to aliens. |
| 3 | Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao. | We are orphans and fatherless, our mothers are as widows. |
| 4 | Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin. | We have drunken our water for money; our wood is sold unto us. |
| 5 | Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan. | Our necks are under persecution: we labour, and have no rest. |
| 6 | Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay. | We have given the hand to the Egyptians, and to the Assyrians, to be satisfied with bread. |
| 7 | Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan. | Our fathers have sinned, and are not; and we have borne their iniquities. |
| 8 | Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay. | Servants have ruled over us: there is none that doth deliver us out of their hand. |
| 9 | Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang. | We gat our bread with the peril of our lives because of the sword of the wilderness. |
| 10 | Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom. | Our skin was black like an oven because of the terrible famine. |
| 11 | Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda. | They ravished the women in Zion, and the maids in the cities of Judah. |
| 12 | Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang. | Princes are hanged up by their hand: the faces of elders were not honoured. |
| 13 | Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy. | They took the young men to grind, and the children fell under the wood. |
| 14 | Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin. | The elders have ceased from the gate, the young men from their musick. |
| 15 | Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan. | The joy of our heart is ceased; our dance is turned into mourning. |
| 16 | Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala. | The crown is fallen from our head: woe unto us, that we have sinned! |
| 17 | Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata; | For this our heart is faint; for these things our eyes are dim. |
| 18 | Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora. | Because of the mountain of Zion, which is desolate, the foxes walk upon it. |
| 19 | Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi. | Thou, O Lord, remainest for ever; thy throne from generation to generation. |
| 20 | Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon? | Wherefore dost thou forget us for ever, and forsake us so long time? |
| 21 | Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una. | Turn thou us unto thee, O Lord, and we shall be turned; renew our days as of old. |
| 22 | Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin. | But thou hast utterly rejected us; thou art very wroth against us. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL