시편 92편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 15절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: | It is a good thing to give thanks unto the Lord, and to sing praises unto thy name, O most High: |
| 2 | Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. | To shew forth thy lovingkindness in the morning, and thy faithfulness every night, |
| 3 | Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa. | Upon an instrument of ten strings, and upon the psaltery; upon the harp with a solemn sound. |
| 4 | Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay. | For thou, Lord, hast made me glad through thy work: I will triumph in the works of thy hands. |
| 5 | Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim. | O Lord, how great are thy works! and thy thoughts are very deep. |
| 6 | Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang. | A brutish man knoweth not; neither doth a fool understand this. |
| 7 | Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man: | When the wicked spring as the grass, and when all the workers of iniquity do flourish; it is that they shall be destroyed for ever: |
| 8 | Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man. | But thou, Lord, art most high for evermore. |
| 9 | Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat. | For, lo, thine enemies, O Lord, for, lo, thine enemies shall perish; all the workers of iniquity shall be scattered. |
| 10 | Nguni't ang sungay ko'y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: ako'y napahiran ng bagong langis. | But my horn shalt thou exalt like the horn of an unicorn: I shall be anointed with fresh oil. |
| 11 | Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin. | Mine eye also shall see my desire on mine enemies, and mine ears shall hear my desire of the wicked that rise up against me. |
| 12 | Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano. | The righteous shall flourish like the palm tree: he shall grow like a cedar in Lebanon. |
| 13 | Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios. | Those that be planted in the house of the Lord shall flourish in the courts of our God. |
| 14 | Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan: | They shall still bring forth fruit in old age; they shall be fat and flourishing; |
| 15 | Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya. | To shew that the Lord is upright: he is my rock, and there is no unrighteousness in him. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL