시편 91편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 16절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. | He that dwelleth in the secret place of the most High shall abide under the shadow of the Almighty. |
| 2 | Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan. | I will say of the Lord, He is my refuge and my fortress: my God; in him will I trust. |
| 3 | Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot. | Surely he shall deliver thee from the snare of the fowler, and from the noisome pestilence. |
| 4 | Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. | He shall cover thee with his feathers, and under his wings shalt thou trust: his truth shall be thy shield and buckler. |
| 5 | Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; | Thou shalt not be afraid for the terror by night; nor for the arrow that flieth by day; |
| 6 | Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. | Nor for the pestilence that walketh in darkness; nor for the destruction that wasteth at noonday. |
| 7 | Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo. | A thousand shall fall at thy side, and ten thousand at thy right hand; but it shall not come nigh thee. |
| 8 | Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama. | Only with thine eyes shalt thou behold and see the reward of the wicked. |
| 9 | Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; | Because thou hast made the Lord, which is my refuge, even the most High, thy habitation; |
| 10 | Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. | There shall no evil befall thee, neither shall any plague come nigh thy dwelling. |
| 11 | Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. | For he shall give his angels charge over thee, to keep thee in all thy ways. |
| 12 | Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. | They shall bear thee up in their hands, lest thou dash thy foot against a stone. |
| 13 | Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. | Thou shalt tread upon the lion and adder: the young lion and the dragon shalt thou trample under feet. |
| 14 | Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. | Because he hath set his love upon me, therefore will I deliver him: I will set him on high, because he hath known my name. |
| 15 | Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. | He shall call upon me, and I will answer him: I will be with him in trouble; I will deliver him, and honour him. |
| 16 | Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas. | With long life will I satisfy him, and shew him my salvation. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL