시편 89편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 52절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi. | I will sing of the mercies of the Lord for ever: with my mouth will I make known thy faithfulness to all generations. |
| 2 | Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan. | For I have said, Mercy shall be built up for ever: thy faithfulness shalt thou establish in the very heavens. |
| 3 | Ako'y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod; | I have made a covenant with my chosen, I have sworn unto David my servant, |
| 4 | Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah) | Thy seed will I establish for ever, and build up thy throne to all generations. Selah. |
| 5 | At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal. | And the heavens shall praise thy wonders, O Lord: thy faithfulness also in the congregation of the saints. |
| 6 | Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon, | For who in the heaven can be compared unto the Lord? who among the sons of the mighty can be likened unto the Lord? |
| 7 | Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya? | God is greatly to be feared in the assembly of the saints, and to be had in reverence of all them that are about him. |
| 8 | Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo. | O Lord God of hosts, who is a strong Lord like unto thee? or to thy faithfulness round about thee? |
| 9 | Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat: pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo. | Thou rulest the raging of the sea: when the waves thereof arise, thou stillest them. |
| 10 | Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay; iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan. | Thou hast broken Rahab in pieces, as one that is slain; thou hast scattered thine enemies with thy strong arm. |
| 11 | Ang langit ay iyo, ang lupa ay iyo rin: ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag, | The heavens are thine, the earth also is thine: as for the world and the fulness thereof, thou hast founded them. |
| 12 | Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan. | The north and the south thou hast created them: Tabor and Hermon shall rejoice in thy name. |
| 13 | Ikaw ay may makapangyarihang bisig: malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay. | Thou hast a mighty arm: strong is thy hand, and high is thy right hand. |
| 14 | Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha. | Justice and judgment are the habitation of thy throne: mercy and truth shall go before thy face. |
| 15 | Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha. | Blessed is the people that know the joyful sound: they shall walk, O Lord, in the light of thy countenance. |
| 16 | Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw: at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila. | In thy name shall they rejoice all the day: and in thy righteousness shall they be exalted. |
| 17 | Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan: at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay. | For thou art the glory of their strength: and in thy favour our horn shall be exalted. |
| 18 | Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon; at ang aming hari ay sa banal ng Israel. | For the Lord is our defence; and the Holy One of Israel is our king. |
| 19 | Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan. | Then thou spakest in vision to thy holy one, and saidst, I have laid help upon one that is mighty; I have exalted one chosen out of the people. |
| 20 | Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis: | I have found David my servant; with my holy oil have I anointed him: |
| 21 | Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig. | With whom my hand shall be established: mine arm also shall strengthen him. |
| 22 | Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan. | The enemy shall not exact upon him; nor the son of wickedness afflict him. |
| 23 | At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya. | And I will beat down his foes before his face, and plague them that hate him. |
| 24 | Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay. | But my faithfulness and my mercy shall be with him: and in my name shall his horn be exalted. |
| 25 | Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog. | I will set his hand also in the sea, and his right hand in the rivers. |
| 26 | Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. | He shall cry unto me, Thou art my father, my God, and the rock of my salvation. |
| 27 | Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa. | Also I will make him my firstborn, higher than the kings of the earth. |
| 28 | Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya. | My mercy will I keep for him for evermore, and my covenant shall stand fast with him. |
| 29 | Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit. | His seed also will I make to endure for ever, and his throne as the days of heaven. |
| 30 | Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; | If his children forsake my law, and walk not in my judgments; |
| 31 | Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko; | If they break my statutes, and keep not my commandments; |
| 32 | Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan. | Then will I visit their transgression with the rod, and their iniquity with stripes. |
| 33 | Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang. | Nevertheless my lovingkindness will I not utterly take from him, nor suffer my faithfulness to fail. |
| 34 | Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi. | My covenant will I not break, nor alter the thing that is gone out of my lips. |
| 35 | Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David; | Once have I sworn by my holiness that I will not lie unto David. |
| 36 | Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko. | His seed shall endure for ever, and his throne as the sun before me. |
| 37 | Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah) | It shall be established for ever as the moon, and as a faithful witness in heaven. Selah. |
| 38 | Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis. | But thou hast cast off and abhorred, thou hast been wroth with thine anointed. |
| 39 | Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa. | Thou hast made void the covenant of thy servant: thou hast profaned his crown by casting it to the ground. |
| 40 | Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan. | Thou hast broken down all his hedges; thou hast brought his strong holds to ruin. |
| 41 | Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit. | All that pass by the way spoil him: he is a reproach to his neighbours. |
| 42 | Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway. | Thou hast set up the right hand of his adversaries; thou hast made all his enemies to rejoice. |
| 43 | Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka. | Thou hast also turned the edge of his sword, and hast not made him to stand in the battle. |
| 44 | Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa. | Thou hast made his glory to cease, and cast his throne down to the ground. |
| 45 | Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah) | The days of his youth hast thou shortened: thou hast covered him with shame. Selah. |
| 46 | Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy? | How long, Lord? wilt thou hide thyself for ever? shall thy wrath burn like fire? |
| 47 | Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao. | Remember how short my time is: wherefore hast thou made all men in vain? |
| 48 | Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah) | What man is he that liveth, and shall not see death? shall he deliver his soul from the hand of the grave? Selah. |
| 49 | Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat? | Lord, where are thy former lovingkindnesses, which thou swarest unto David in thy truth? |
| 50 | Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan; | Remember, Lord, the reproach of thy servants; how I do bear in my bosom the reproach of all the mighty people; |
| 51 | Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis. | Wherewith thine enemies have reproached, O Lord; wherewith they have reproached the footsteps of thine anointed. |
| 52 | Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa. | Blessed be the Lord for evermore. Amen, and Amen. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL