시편 88편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 18절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo: | O Lord God of my salvation, I have cried day and night before thee: |
| 2 | Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing: | Let my prayer come before thee: incline thine ear unto my cry; |
| 3 | Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol, | For my soul is full of troubles: and my life draweth nigh unto the grave. |
| 4 | Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas: | I am counted with them that go down into the pit: I am as a man that hath no strength: |
| 5 | Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala; at sila'y mangahiwalay sa iyong kamay. | Free among the dead, like the slain that lie in the grave, whom thou rememberest no more: and they are cut off from thy hand. |
| 6 | Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman. | Thou hast laid me in the lowest pit, in darkness, in the deeps. |
| 7 | Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah) | Thy wrath lieth hard upon me, and thou hast afflicted me with all thy waves. Selah. |
| 8 | Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: ako'y nakulong at hindi ako makalabas, | Thou hast put away mine acquaintance far from me; thou hast made me an abomination unto them: I am shut up, and I cannot come forth. |
| 9 | Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian: ako'y tumawag araw-araw sa iyo, Oh Panginoon, aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo. | Mine eye mourneth by reason of affliction: Lord, I have called daily upon thee, I have stretched out my hands unto thee. |
| 10 | Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah) | Wilt thou shew wonders to the dead? shall the dead arise and praise thee? Selah. |
| 11 | Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan? | Shall thy lovingkindness be declared in the grave? or thy faithfulness in destruction? |
| 12 | Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot? | Shall thy wonders be known in the dark? and thy righteousness in the land of forgetfulness? |
| 13 | Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo. | But unto thee have I cried, O Lord; and in the morning shall my prayer prevent thee. |
| 14 | Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin? | Lord, why castest thou off my soul? why hidest thou thy face from me? |
| 15 | Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan: habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako. | I am afflicted and ready to die from my youth up: while I suffer thy terrors I am distracted. |
| 16 | Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay. | Thy fierce wrath goeth over me; thy terrors have cut me off. |
| 17 | Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw; kinubkob ako nilang magkakasama. | They came round about me daily like water; they compassed me about together. |
| 18 | Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim. | Lover and friend hast thou put far from me, and mine acquaintance into darkness. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL