시편 86편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 17절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan. | Bow down thine ear, O Lord, hear me: for I am poor and needy. |
| 2 | Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. | Preserve my soul; for I am holy: O thou my God, save thy servant that trusteth in thee. |
| 3 | Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw. | Be merciful unto me, O Lord: for I cry unto thee daily. |
| 4 | Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa. | Rejoice the soul of thy servant: for unto thee, O Lord, do I lift up my soul. |
| 5 | Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo. | For thou, Lord, art good, and ready to forgive; and plenteous in mercy unto all them that call upon thee. |
| 6 | Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing. | Give ear, O Lord, unto my prayer; and attend to the voice of my supplications. |
| 7 | Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako. | In the day of my trouble I will call upon thee: for thou wilt answer me. |
| 8 | Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa. | Among the gods there is none like unto thee, O Lord; neither are there any works like unto thy works. |
| 9 | Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan. | All nations whom thou hast made shall come and worship before thee, O Lord; and shall glorify thy name. |
| 10 | Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios. | For thou art great, and doest wondrous things: thou art God alone. |
| 11 | Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan. | Teach me thy way, O Lord; I will walk in thy truth: unite my heart to fear thy name. |
| 12 | Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man. | I will praise thee, O Lord my God, with all my heart: and I will glorify thy name for evermore. |
| 13 | Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol. | For great is thy mercy toward me: and thou hast delivered my soul from the lowest hell. |
| 14 | Oh Dios, ang palalo ay bumangon laban sa akin, at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa, at hindi inilagay ka sa harap nila. | O God, the proud are risen against me, and the assemblies of violent men have sought after my soul; and have not set thee before them. |
| 15 | Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan. | But thou, O Lord, art a God full of compassion, and gracious, longsuffering, and plenteous in mercy and truth. |
| 16 | Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin; ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod. At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae. | O turn unto me, and have mercy upon me; give thy strength unto thy servant, and save the son of thine handmaid. |
| 17 | Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti: upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya, sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin. | Shew me a token for good; that they which hate me may see it, and be ashamed: because thou, Lord, hast holpen me, and comforted me. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL