시편 83편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 18절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios. | Keep not thou silence, O God: hold not thy peace, and be not still, O God. |
| 2 | Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo. | For, lo, thine enemies make a tumult: and they that hate thee have lifted up the head. |
| 3 | Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli. | They have taken crafty counsel against thy people, and consulted against thy hidden ones. |
| 4 | Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa. | They have said, Come, and let us cut them off from being a nation; that the name of Israel may be no more in remembrance. |
| 5 | Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan: | For they have consulted together with one consent: they are confederate against thee: |
| 6 | Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno; | The tabernacles of Edom, and the Ishmaelites; of Moab, and the Hagarenes; |
| 7 | Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro: | Gebal, and Ammon, and Amalek; the Philistines with the inhabitants of Tyre; |
| 8 | Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot. | Assur also is joined with them: they have holpen the children of Lot. Selah. |
| 9 | Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison: | Do unto them as unto the Midianites; as to Sisera, as to Jabin, at the brook of Kison: |
| 10 | Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa. | Which perished at En–dor: they became as dung for the earth. |
| 11 | Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna; | Make their nobles like Oreb, and like Zeeb: yea, all their princes as Zebah, and as Zalmunna: |
| 12 | Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios. | Who said, Let us take to ourselves the houses of God in possession. |
| 13 | Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin. | O my God, make them like a wheel; as the stubble before the wind. |
| 14 | Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok; | As the fire burneth a wood, and as the flame setteth the mountains on fire; |
| 15 | Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos. | So persecute them with thy tempest, and make them afraid with thy storm. |
| 16 | Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon. | Fill their faces with shame; that they may seek thy name, O Lord. |
| 17 | Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol: | Let them be confounded and troubled for ever; yea, let them be put to shame, and perish: |
| 18 | Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa. | That men may know that thou, whose name alone is Jehovah, art the most high over all the earth. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL