시편 77편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 20절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios; sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako. | I cried unto God with my voice, even unto God with my voice; and he gave ear unto me. |
| 2 | Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon: ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko. | In the day of my trouble I sought the Lord: my sore ran in the night, and ceased not: my soul refused to be comforted. |
| 3 | Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah) | I remembered God, and was troubled: I complained, and my spirit was overwhelmed. Selah. |
| 4 | Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita. | Thou holdest mine eyes waking: I am so troubled that I cannot speak. |
| 5 | Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon. | I have considered the days of old, the years of ancient times. |
| 6 | Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat. | I call to remembrance my song in the night: I commune with mine own heart: and my spirit made diligent search. |
| 7 | Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa? | Will the Lord cast off for ever? and will he be favourable no more? |
| 8 | Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako? | Is his mercy clean gone for ever? doth his promise fail for evermore? |
| 9 | Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah) | Hath God forgotten to be gracious? hath he in anger shut up his tender mercies? Selah. |
| 10 | At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan. | And I said, This is my infirmity: but I will remember the years of the right hand of the most High. |
| 11 | Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. | I will remember the works of the Lord: surely I will remember thy wonders of old. |
| 12 | Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. | I will meditate also of all thy work, and talk of thy doings. |
| 13 | Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios? | Thy way, O God, is in the sanctuary: who is so great a God as our God? |
| 14 | Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao. | Thou art the God that doest wonders: thou hast declared thy strength among the people. |
| 15 | Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah) | Thou hast with thine arm redeemed thy people, the sons of Jacob and Joseph. Selah. |
| 16 | Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot: ang mga kalaliman din naman ay nanginig. | The waters saw thee, O God, the waters saw thee; they were afraid: the depths also were troubled. |
| 17 | Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos. | The clouds poured out water: the skies sent out a sound: thine arrows also went abroad. |
| 18 | Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan: ang lupa ay nayanig at umuga. | The voice of thy thunder was in the heaven: the lightnings lightened the world: the earth trembled and shook. |
| 19 | Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala. | Thy way is in the sea, and thy path in the great waters, and thy footsteps are not known. |
| 20 | Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron. | Thou leddest thy people like a flock by the hand of Moses and Aaron. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL