시편 63편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 11절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig. | O God, thou art my God; early will I seek thee: my soul thirsteth for thee, my flesh longeth for thee in a dry and thirsty land, where no water is; |
| 2 | Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian. | To see thy power and thy glory, so as I have seen thee in the sanctuary. |
| 3 | Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi. | Because thy lovingkindness is better than life, my lips shall praise thee. |
| 4 | Sa gayo'y pupurihin kita habang ako'y nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan. | Thus will I bless thee while I live: I will lift up my hands in thy name. |
| 5 | Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi; | My soul shall be satisfied as with marrow and fatness; and my mouth shall praise thee with joyful lips: |
| 6 | Pagka naaalaala kita sa aking higaan, at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi. | When I remember thee upon my bed, and meditate on thee in the night watches. |
| 7 | Sapagka't naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako. | Because thou hast been my help, therefore in the shadow of thy wings will I rejoice. |
| 8 | Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan. | My soul followeth hard after thee: thy right hand upholdeth me. |
| 9 | Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa. | But those that seek my soul, to destroy it, shall go into the lower parts of the earth. |
| 10 | Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: sila'y magiging pagkain sa mga zorra. | They shall fall by the sword: they shall be a portion for foxes. |
| 11 | Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin. | But the king shall rejoice in God; every one that sweareth by him shall glory: but the mouth of them that speak lies shall be stopped. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL