시편 45편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 17절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay: aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari: ang aking dila ay panulat ng bihasang manunulat. | My heart is inditing a good matter: I speak of the things which I have made touching the king: my tongue is the pen of a ready writer. |
| 2 | Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi: kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man. | Thou art fairer than the children of men: grace is poured into thy lips: therefore God hath blessed thee for ever. |
| 3 | Ibigkis mo ang iyong tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan, kalakip ang iyong kaluwalhatian at ang iyong kamahalan. | Gird thy sword upon thy thigh, O most mighty, with thy glory and thy majesty. |
| 4 | At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran: at ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng kakilakilabot na mga bagay. | And in thy majesty ride prosperously because of truth and meekness and righteousness; and thy right hand shall teach thee terrible things. |
| 5 | Ang iyong mga palaso ay matulis; ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo: sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari. | Thine arrows are sharp in the heart of the king’s enemies; whereby the people fall under thee. |
| 6 | Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man: cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian. | Thy throne, O God, is for ever and ever: the sceptre of thy kingdom is a right sceptre. |
| 7 | Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan: kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo ng langis, ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama. | Thou lovest righteousness, and hatest wickedness: therefore God, thy God, hath anointed thee with the oil of gladness above thy fellows. |
| 8 | Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia: mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad. | All thy garments smell of myrrh, and aloes, and cassia, out of the ivory palaces, whereby they have made thee glad. |
| 9 | Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae: sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may ginto sa Ophir. | Kings’ daughters were among thy honourable women: upon thy right hand did stand the queen in gold of Ophir. |
| 10 | Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig; kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang; | Hearken, O daughter, and consider, and incline thine ear; forget also thine own people, and thy father’s house; |
| 11 | Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan; sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya. | So shall the king greatly desire thy beauty: for he is thy Lord; and worship thou him. |
| 12 | At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na may kaloob; pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay mamamanhik ng iyong lingap. | And the daughter of Tyre shall be there with a gift; even the rich among the people shall intreat thy favour. |
| 13 | Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari. Ang kaniyang suot ay yaring may ginto. | The king’s daughter is all glorious within: her clothing is of wrought gold. |
| 14 | Siya'y ihahatid sa hari na may suot na bordado: ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay dadalhin sa iyo. | She shall be brought unto the king in raiment of needlework: the virgins her companions that follow her shall be brought unto thee. |
| 15 | May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila: sila'y magsisipasok sa bahay-hari. | With gladness and rejoicing shall they be brought: they shall enter into the king’s palace. |
| 16 | Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak, na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa. | Instead of thy fathers shall be thy children, whom thou mayest make princes in all the earth. |
| 17 | Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi: kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man. | I will make thy name to be remembered in all generations: therefore shall the people praise thee for ever and ever. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL