시편 44편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 26절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una. | We have heard with our ears, O God, our fathers have told us, what work thou didst in their days, in the times of old. |
| 2 | Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni't itinatag mo sila; iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni't iyong pinangalat sila. | How thou didst drive out the heathen with thy hand, and plantedst them; how thou didst afflict the people, and cast them out. |
| 3 | Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila. | For they got not the land in possession by their own sword, neither did their own arm save them: but thy right hand, and thine arm, and the light of thy countenance, because thou hadst a favour unto them. |
| 4 | Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob. | Thou art my King, O God: command deliverances for Jacob. |
| 5 | Dahil sa iyo'y itutulak namin ang aming mga kaaway: sa iyong pangalan ay yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin. | Through thee will we push down our enemies: through thy name will we tread them under that rise up against us. |
| 6 | Sapagka't hindi ako titiwala sa aking busog, ni ililigtas man ako ng aking tabak. | For I will not trust in my bow, neither shall my sword save me. |
| 7 | Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway, at inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin. | But thou hast saved us from our enemies, and hast put them to shame that hated us. |
| 8 | Sa Dios ay naghahambog kami buong araw, at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah) | In God we boast all the day long, and praise thy name for ever. Selah. |
| 9 | Nguni't ngayo'y itinakuwil mo kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo. | But thou hast cast off, and put us to shame; and goest not forth with our armies. |
| 10 | Iyong pinatatalikod kami sa kaaway: at silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili. | Thou makest us to turn back from the enemy: and they which hate us spoil for themselves. |
| 11 | Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain; at pinangalat mo kami sa mga bansa. | Thou hast given us like sheep appointed for meat; and hast scattered us among the heathen. |
| 12 | Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad, at hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga. | Thou sellest thy people for nought, and dost not increase thy wealth by their price. |
| 13 | Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin. | Thou makest us a reproach to our neighbours, a scorn and a derision to them that are round about us. |
| 14 | Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa, at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan. | Thou makest us a byword among the heathen, a shaking of the head among the people. |
| 15 | Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri, at ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin, | My confusion is continually before me, and the shame of my face hath covered me, |
| 16 | Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw; dahil sa kaaway at sa manghihiganti. | For the voice of him that reproacheth and blasphemeth; by reason of the enemy and avenger. |
| 17 | Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka, ni gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan. | All this is come upon us; yet have we not forgotten thee, neither have we dealt falsely in thy covenant. |
| 18 | Ang aming puso ay hindi tumalikod, ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan; | Our heart is not turned back, neither have our steps declined from thy way; |
| 19 | Na kami ay iyong lubhang nilansag sa dako ng mga chakal, at tinakpan mo kami ng lilim ng kamatayan. | Though thou hast sore broken us in the place of dragons, and covered us with the shadow of death. |
| 20 | Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios; | If we have forgotten the name of our God, or stretched out our hands to a strange god; |
| 21 | Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios? Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso. | Shall not God search this out? for he knoweth the secrets of the heart. |
| 22 | Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan. | Yea, for thy sake are we killed all the day long; we are counted as sheep for the slaughter. |
| 23 | Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon? Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man. | Awake, why sleepest thou, O Lord? arise, cast us not off for ever. |
| 24 | Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian? | Wherefore hidest thou thy face, and forgettest our affliction and our oppression? |
| 25 | Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa. | For our soul is bowed down to the dust: our belly cleaveth unto the earth. |
| 26 | Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob. | Arise for our help, and redeem us for thy mercies’ sake. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL