시편 34편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig. | I will bless the Lord at all times: his praise shall continually be in my mouth. |
| 2 | Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon: maririnig ng maamo at masasayahan. | My soul shall make her boast in the Lord: the humble shall hear thereof, and be glad. |
| 3 | Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan. | O magnify the Lord with me, and let us exalt his name together. |
| 4 | Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. | I sought the Lord, and he heard me, and delivered me from all my fears. |
| 5 | Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. | They looked unto him, and were lightened: and their faces were not ashamed. |
| 6 | Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan. | This poor man cried, and the Lord heard him, and saved him out of all his troubles. |
| 7 | Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila. | The angel of the Lord encampeth round about them that fear him, and delivereth them. |
| 8 | Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya. | O taste and see that the Lord is good: blessed is the man that trusteth in him. |
| 9 | Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. | O fear the Lord, ye his saints: for there is no want to them that fear him. |
| 10 | Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay. | The young lions do lack, and suffer hunger: but they that seek the Lord shall not want any good thing. |
| 11 | Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon. | Come, ye children, hearken unto me: I will teach you the fear of the Lord. |
| 12 | Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti? | What man is he that desireth life, and loveth many days, that he may see good? |
| 13 | Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan. | Keep thy tongue from evil, and thy lips from speaking guile. |
| 14 | Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo. | Depart from evil, and do good; seek peace, and pursue it. |
| 15 | Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing. | The eyes of the Lord are upon the righteous, and his ears are open unto their cry. |
| 16 | Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa. | The face of the Lord is against them that do evil, to cut off the remembrance of them from the earth. |
| 17 | Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan. | The righteous cry, and the Lord heareth, and delivereth them out of all their troubles. |
| 18 | Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa. | The Lord is nigh unto them that are of a broken heart; and saveth such as be of a contrite spirit. |
| 19 | Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat. | Many are the afflictions of the righteous: but the Lord delivereth him out of them all. |
| 20 | Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto: wala isa man sa mga yaon na nababali. | He keepeth all his bones: not one of them is broken. |
| 21 | Papatayin ng kasamaan ang masama: at silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala. | Evil shall slay the wicked: and they that hate the righteous shall be desolate. |
| 22 | Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod: at wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala. | The Lord redeemeth the soul of his servants: and none of them that trust in him shall be desolate. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL