시편 33편 Ang Dating Biblia (1905)
Ang Dating Biblia (1905) · 타갈로그어 · 시편 (Psalms) · 22절 · 대역: King James Version
| 절 | Ang Dating Biblia (1905) | King James Version |
|---|---|---|
| 1 | Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid. | Rejoice in the Lord, O ye righteous: for praise is comely for the upright. |
| 2 | Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon na may alpa: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas. | Praise the Lord with harp: sing unto him with the psaltery and an instrument of ten strings. |
| 3 | Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit; magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay. | Sing unto him a new song; play skilfully with a loud noise. |
| 4 | Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat. | For the word of the Lord is right; and all his works are done in truth. |
| 5 | Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan: ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon. | He loveth righteousness and judgment: the earth is full of the goodness of the Lord. |
| 6 | Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. | By the word of the Lord were the heavens made; and all the host of them by the breath of his mouth. |
| 7 | Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan. | He gathereth the waters of the sea together as an heap: he layeth up the depth in storehouses. |
| 8 | Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. | Let all the earth fear the Lord: let all the inhabitants of the world stand in awe of him. |
| 9 | Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag. | For he spake, and it was done; he commanded, and it stood fast. |
| 10 | Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa: kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan. | The Lord bringeth the counsel of the heathen to nought: he maketh the devices of the people of none effect. |
| 11 | Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi. | The counsel of the Lord standeth for ever, the thoughts of his heart to all generations. |
| 12 | Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana. | Blessed is the nation whose God is the Lord; and the people whom he hath chosen for his own inheritance. |
| 13 | Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao; | The Lord looketh from heaven; he beholdeth all the sons of men. |
| 14 | Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa; | From the place of his habitation he looketh upon all the inhabitants of the earth. |
| 15 | Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat, na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa. | He fashioneth their hearts alike; he considereth all their works. |
| 16 | Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan. | There is no king saved by the multitude of an host: a mighty man is not delivered by much strength. |
| 17 | Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan; | An horse is a vain thing for safety: neither shall he deliver any by his great strength. |
| 18 | Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob; | Behold, the eye of the Lord is upon them that fear him, upon them that hope in his mercy; |
| 19 | Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom. | To deliver their soul from death, and to keep them alive in famine. |
| 20 | Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag. | Our soul waiteth for the Lord: he is our help and our shield. |
| 21 | Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan. | For our heart shall rejoice in him, because we have trusted in his holy name. |
| 22 | Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ayon sa aming pagasa sa iyo. | Let thy mercy, O Lord, be upon us, according as we hope in thee. |
- 📚 Ang Dating Biblia (1905) 책 목록
- 개역개정판 (1998)로
- 개역한글판 (1961)로
- 표준새번역 (1993)로
- King James Version로
- 🌐 다른 언어·판
Ang Dating Biblia (1905) — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: 공개 도메인 (Public Domain) · 출처 ↗
King James Version — getbible.net(CrossWire SWORD 모듈)에서 가져옴 · 라이선스: GPL